58

7 3 0
                                    

"Hoy, gago! Namiss kita!" sigaw ni Mark at kaagad akong niyakap dito sa parking lot ng EE.




"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.



"Sinong kasama mo?"  Balik niyang tanong sa akin.




Sasagutin ko na sana siya nang bigla ng bumaba si Drake sa sasakyan niya. Magkasama kaming pumunta dito matapos mahatid namin ang kambal kasama si Angel sa TLC.



"Wow, nagkabalikan kayo?" napanganga si Mark.



Umiling ako. "Si Drake pa rin 'yan, friend ko."



"Hi friend," pagbati ni Mark sa mapang-asar na boses at naglahad pa ng kamay kay Drake.



Tinignan lang 'yon ni Drake at ngumisi. "Hindi kita friend," sagot nito.



"Ouch," ang kamay ni Mark na nakalahad ay nilagay niya nalang sa kanyang dibdib at nagkunwaring parang nasaktan.



Mahina akong tumawa pero nagulat nalang ako nang biglang hawakan ni Drake ang kamay ko at hinatak para makaalis na at nakita ni Mark ang ginawa niyang 'yon. Nginitian ko nalang si Mark at nagpaubaya na kay Drake.



Binitawan na din ni Drake ang kamay nang makarating kami sa pang anim na palapag at pumunta na siya sa opisina niya habang ako naman ay nagtinda muna ng puto sa mga kasama namin bago ko napagdesisyonang puntahan si Drake sa opisina niya at walang katok katok na pumasok doon. Nakikita ko siyang nakatingin sa laptop niya habang may nakalatag na maraming blueprints sa lamesa niya.



"May ginagawa pa akong disenyo." Bigla niyang sabi, tumayo siya at tinignan ako ng seryoso. "Ibibigay ko pa kay Artemis tong mga blueprints na napirmahan ko na."



"I didn't asked," I answered.

Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)Where stories live. Discover now