57

7 3 0
                                    


"Thank you, Engineer Alde." One of the mentor uttered.



 

Ngumiti si Drake sa kanila at ganoon din ako. May konti lang silang pinag-usapan at binigay na kaagad ni Drake ang lahat ng donations. From books, money, new projects at may iba pa. Nakilala pa ako ng mentor dahil lagi daw akong pumupunta dito. Hindi naman na nagtanong si Drake dahil siguro alam na niya kung bakit.


 

Hinintay muna namin sandali ang mga anak namin dahil konti nalang ay matapos na ang klase nila. Fuck! Ang ganda pakinggan, shit anak namin! Nang matapos na ang klase ay nag uunahan naman sa paglabas ang mga bata.


 

"Hala, Ate!" Dinig kong sigaw ni Draven sa kapatid niya nang makita kami. Lumingon naman kaagad si Serenity sa banda namin.


 

Serenity suddenly excitedly run and jumps up into his father and hug it tightly.


 

I don't know why I can't hold up my tears anymore. Kusa nalang itong tumulo nang makitang karga karga ni Drake si Serenity tapos ikakarga pa niya sa kabilang braso si Draven. Umiwas ako at pinahiran ang luha ko. Hindi ko maipaliwanag ang sayang naramdaman ko ngayon.


 

"Momma," Serenity called me.




Lumingon ako at ngumiti sa kanila.


 

"Momma... Thank you.." Draven mouthed.


 

"Thank you, Lord.. for the answered prayer!" nakangiting usal ni Drake habang nasa akin ang tingin.


 

"Thank you, Lord.. for the answered prayer!" Sabay na sabi ng kambal at pumalakpak naman si Serenity.


 

Lumapit ako sa kanila ng konti. Inilahad naman sa akin ni Draven ang braso niya kaya kinuha ko siya at ako ang kumarga. Hinalikan naman kaagad ako ni Drake sa pisnge na ikinagulat ko pero tumawa lang ang dalawa at ginaya pa ang Papa nila. Hinalikan din ako ni Serenity at Draven sa magkabilang pisnge.


 

"Oh, ayan.. ang dungis dungis na tuloy.." nakanguso kong sabi at pinunasan ang gilid ng labi ni Serenity na may natira pang sundae.


 

Nabigla naman ako nang biglang pinunasan din ni Drake ang gilid ng labi gamit ang hinlalaki niya at makitang nakangiti siya sa akin habang dinidilaan ang hinlalaking daliri niya.


 

"Luh.. ayieeee.." Parang kinikilig na sabi ng kambal.


 

"Luh, ano 'yan?" sabay kaming bumaling ng tingin sa sumabat habang kumakain kami dito sa Jollibee. Si Angel lang pala na gulat na gulat. "Luh, Ate.. Kuya.. okay na? Ate, di ka ba galit sa akin?"


 

Kumunot ang noo ko kay Angel. She's wearing the Jollibee crew uniform.


 

"You're working here, Tita?" Draven asked.


 

Angel nodded to his nephew and looked at me again. "Ate.." bulong niya na para bang natatakot siya.

Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)Where stories live. Discover now