05

8 5 0
                                    

"Magaling ka diba? Then go, proceed." Bulong sa akin ni Drake nang nandito na kami sa harap.



Kahit mga juniors tong nasa harap ko, hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Madami na akong debate na nasalihan pero kinakabahan at medyo nahihiya pa din ako sa public speaking lalo na kapag na pe-pressure at kapag wala ako sa mood.



"The abbreviation STEM stands for 'Science, Technology, Engineering, and Mathematics.' For me, this is the best strand, the importance of innovation, problem solving, and critical-thinking is shared by all four fields. Oo, kahit aminado akong bobo po ako. STEM education supports the next generation of innovators through fostering critical thinking and science literacy." I started my speech. Medyo nawawala na din ang kaba ko nang makita ko ang mga juniors na seryosong nakikinig sa akin. "Hi, everyone! I am Shaquira Kae Cabusas Putol from Stem-12 Section A." Nakangiting sabi ko.



Hindi ko inaasahang pupunta dito si Victoria. Nakita ko lang siya na nasa likod kasama ang dalawang kaibigan niya na hindi ko naman kilala. Napangisi ako sa naiisip ko. Matagal na din akong napipikon kay Drake kaya pagkakataon ko na to.



"And this man beside me is none other than my boyfriend. He's Messiah Drake Golosino Alde." I smiled at halata ko ang gulat ng lahat lalo na ang mga kaibigan ko pero nakangiti pa din ako.



Malaki ang iginawad kong ngiti kay Drake na ngayon ay gulat na gulat. Hindi niya pa nakikita ang girlfriend niya.



"Ano bang problema mo?" Bulong niya sa'kin ng hapitin niya ang beywang ko.



"Sabayan mo ko. Hindi pwedeng nakikita ng juniors na hindi tayo in good terms." I whispered back kasabay ng pag bitaw niya sa akin at ang pag buntong hininga niya ng mahina.



"Teka lang Ate," napalingon ako sa babaeng junior na tumayo kaya nakangiti akong tinaasan siya ng kilay. "Kailan pa naging kayo? Ang gwapo kasi ni Kuya eh.."



"Kaya nga bagay kami, gwapo siya habang ako pinakamaganda." Hindi ko na alam kung saan ko nakukuha itong desperadang confidence ko. "Sagutin mo, pre. Yung matagal ha, kapag di mo sinabi, hindi ko aayusin tong speech natin at ang pagpapaliwanag ko." bulong ko pa kay Drake.



"Ah, Y-Yeah.. Actually, 4th anniversary namin ngayon." sagot ni Drake na ikinangiti ko saka ko binigyan ng pasekretong thumbs up si Skiedyl at Skyler na gulat na gulat na nasa tabi ni Natasya.



"4th huh?" Ngising bulong ko pa. "Anong year niyo na ni Toria?"



"Year 12, same STEM." bulong niyang sagot na ikinainis ko.

Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)Where stories live. Discover now