11

7 5 0
                                    

Dali dali akong pumasok sa loob ng hospital at naglakad papunta sa emergency room habang nakasunod si Drake sakin. Mabilis lang kaming nakarating dahil dala ni Drake ang motor niya.



Hingal na hingal kaming dalawa ni Drake na nakarating dito sa labas ng ER at si Natasya na nakapikit ang matang nakaupo, Jaskim na nakasandal sa pader at Si Jhyrel na nakaupo na biglang tumayo sa tabi ni Natasya nang makita kami at si Skiedyl na na nakahiga sa mga upuan ay ang tanging nandito lang sa labas ng emergency room.



"Kumusta na?" Drake asked kaya ang atensyon nilang tatlo ay nabaling sa amin.



Nakita kong tumayo si Natasya at galit na napatingin sakin at naglakad palapit sa akin. Yayakapin ko sana siya nang biglang nagulat ako sa malakas na sampal niya sakin.



"Para yan sa pagiging ma-pride mong tao!" Sigaw niya at sinampal ako ulit sa kabila namang pisnge.



"Natasya!" I heard Jaskim shouted at pumunta sa banda namin.



"Para yan sa hindi pagsagot sa tawag ni Skyler nang ikaw ang unang tinawagan niya!" sinampal niya ako ulit sa pangatlong beses. "At para yan sa pagiging makasarili mo! Kasalanan mo ang lahat ng 'to! Hindi na kita naiintindihan! Ang sama ng ugali mo!"



Hawak hawak ko ang pisnge ko ngayon dahil sa malakas ng sampal na ginawa niya sakin. Ni hindi ko nga namalayan na nakahawak na pala si Drake sa braso ko. Hindi ko namalayan na hawak niya ako.



"Natasya, nahihibang ka na ba?" Sigaw ni Jhyrel at hinawakan si Natasya sa braso.



We're now making a scene here in the hospital dahil sa sarap ng buhay. Lasang kahihiyan at pagsisisi.



"Mukhang kulang pa 'yon, Natasya." Sarkastikong tawa na sinabi ko. "Bitawan mo ko!" sigaw ko kay Drake at pilit na pinapabitaw ang paghawak niya sa'kin na ginawa na naman niya bago ako bumaling ulit ng tingin kay Natasya na nasa tabi na ngayon ng dalawa pa naming pinsan.



"Gusto mong dagdagan ko?" Mataray na tanong ni Natasya. "Wag na, naaawa ako—"



"Hindi mo kaya? Pwes, ako ang gagawa!" Sigaw ko at bumawi din ako ng sampal sa kanya. "Para yan sa hindi ko pagsagot sa tawag dahil hindi ko dala ang cellphone ko at lumayas lang ako dahil dumalaw na naman sakin ang mental breakdown ko!" sinampal ko ulit siya kabilang pisnge. "Para naman yan sa pasasalamat ko sa'yo  sa paninisi mo sa'kin!" sinampal ko ulit siya pangatlong pagkakataon. "Para naman yan sa hindi mo sinubukan akong intindihin!" sinampal ko na naman ulit siya. "At para naman yan sa pagiging special mo sa'kin! Pasobra dahil kaibigan kita!"



"Apat na 'yon, Qui." bulong ni Jaskim sa gilid.

Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)Where stories live. Discover now