40

7 1 0
                                    

Pagkatapos kong mag grocery para sa bahay ay umuwi kaagad ako at umalis na naman. Hindi naman kasi makakapag-grocery si Mama dahil manganganak na 'yon sa buwan na ito.





Ang gusto ko talagang gawin ngayong araw ay ang hanapin si Natasya at makipag-usap sa nangyayari sa kanya. Hindi ko makakausap ng matino si Skyler kung hindi ko muna kakausapin si Natasya.



 

I decided to call Xandra to ask kung nasaan sila. Hindi ko pwedeng sabihin na hinahanap ko si Natasya dahil alam kong pipigilan lang nila ako. Sinagot naman kaagad ni Xandra.



 

["Ate, tapos ka ng mag grocery?"] Bungad ni Xandra. ["Punta ka dito sa Dome. Sa tagoloan ha, may liga dito. Sumali pala dito sina Jhyrel. Gagi! Final game nato! Ang galing mag tago ng sekreto! Punta ka dito ha, kahit anim lang sila sa team dapat support pa din tayo. Kahit wala si Sevaschyan dapat tayo nandito! Dalian mo na, magkaka-last quarter na to!"] mahabang sabi pa niya bago pinatay ang tawag.


 

Bumuntong hininga ako bago ako kumatok sa bahay nina Natasya. Binuksan ko ang pinto pero wala akong nakitang kahit sino dito sa bahay nila. Pumunta ako sa kwarto niya at dinikit ang tainga ko sa pinto. And there I heard, Natasya's cries. I know it was her. I know her.



 

Binuksan ko 'yon at nagulat siya nang makita ako. Isasara niya sana ulit 'yon at hindi ako papasukin pero pinigilan ko kaagad at ako na ang pumasok sa kwarto niya at sinara iyon habang siya ay nag talukbong ng kumot sa buong katawan niya.


 

"Nat, bestfriend mo ko, eh..." usal ko, pinipigilan ang sariling humikbi.



 

Lumapit ako sa kanya at humiga sa tabi niya. Niyakap ko siya mula sa likuran niya habang nakahiga at doon niya na nga ako tinignan. Umiiyak siya. Makapal na din ang eyebags niya at ang lalim pa ng mga mata niya at namamaga pa. Dahil 'yon sa laging pag-iyak tapos hindi pa nakakakuha ng maayos na tulog.




"Umalis na, Qui..." She whispered.


 

"Punta tayo sa Dome? Naglalaro sina Jas."


 

Umiling siya at bumangon. "Hindi mo ba nakikita? Ayoko na sa inyo. Oo, Moon onse pa din tayo. Pero ayaw ko na munang makasama kayo. Hindi niyo ba 'yon nararamdaman?"


 

"Bakit mo pinipilit ang sarili mong lumayo sa amin kahit ayaw mo? Natasya, may problema din naman ako."


 

"Pwes, wag ako ang unahin mo!"


 

"Kailangan kita." Bulong ko. "Kailangan ka ni Skyler, eh. Kailangan ka namin."



 

"Umalis ka na. Wag niyong ipilit ang sarili niyo sa akin. Just promise me na Moon Onse pa din tayo, doon lang okay na ako."



 

"Alam mo bang hinahanap namin si Sevaschyan?" I uttered, broke my heart. "Pati si Vasch, wala na. Hindi namin alam kung saan siya hahanapin. Bigla nalang siyang nawala, eh. Pati ba naman ikaw? Paano kayo ni Raiden? Paano ang Moon? Will this make you happy, Nat?"

Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)Where stories live. Discover now