48

6 2 0
                                    

Nang nagising ako nang bandang alas sais ng umaga ay wala na sa tabi ko si Toria. Humarap ako sa salamin pero wala na akong ibang nakita kundi ang malungkot ko pa ding mga mata at namumugto pa.





Lumabas ako ng kwarto at tinawag si Toria pero wala na akong naabutan. Nakita ko lang ang dalawang note na iniwan niyang nakadikit sa fridge na may kasama pang pirma niya. She has the nice handwritten. Kahit gusto niyang maging doctor katulad ko ay maganda pa din ang pagkakasulat niya kasi usually sa mga doctor at gustong maging doctor ay may pinaka bad handwritten talaga kagaya ko pero si Toria, hindi ko alam kung ano pang wala sa kanya bukod sa mga magulang niya para matawag ko siyang perpekto na.




Good morning! I know you cried a lot last night when you thought that I was already asleep but I'm not. Nagpanggap lang akong tulog para malaya kitang mayakap at nang nakatulog ka na, I remember Drake told me that you like it when someone playing your hair until you fall asleep and so I did. Mauna na ako sa school, ha. We're not in the same school, eh. Mag ingat ka and don't bother call me when you need me. Iiwan ko lahat kahit na ang importante ko pang klase just for you. I already prepared breakfast for you. Nasa table. May mga fruits din sa ref, para sa'yo lahat 'yon. Mamayang 4pm, grocery tayo at para makabili na din tayo para sa needs ng babies natin. I just text you nalang kasi ang taas na ng nasulat ko. Ganda mo!

-Toriana




May you have the strength to get through the day today. You got this, girl!

- Toriana





Napangiti ako sa mga mensahe ni Toria sa akin. Kumain ako at naligo na pagkatapos para pumasok na. Nagbibihis palang ako ng uniform ko nang makita ko ang text sa akin ni Skie.





From: Skiedyl

Maghihintay ako sa gate ng CU. Sasamahan ka namin ni Mark sa pakikipag-usap sa professor mo about sa decision mo. Take care!




Bumuntong hininga ako. Hindi ko pa naranasan ang mag aral online tapos dito lang ako sa loob ng bahay ni Toria mananatili. Maganda naman dito at malamig tapos makikita pa sa bintana ang buong city lights ng Cagayan de Oro.




It's peaceful and so It's better this way. A little lonelier but better.




Bago ako lumabas ng penthouse ay nag online muna ako sa lahat ng social media accounts ko lalo na ang facebok. I saw Drake chat messages and I didn't expected that Skyler would message me too after what happened but then, it's not enough. I never received any greetings from my family, my parents, my own brother, relatives especially my cousins and friends. Kahit isa sa kanila ay wala.




Raiden Alonzo:

Happy birthday, mommy! :((





Kumirot ulit ang puso ko sa nabasa ko. Nag greet lang naman si Skyler pero bakit sobrang sakit? Hindi na kami tulad ng dati. 'Yun ang masakit. 'Yung pati kaming tatlo nasira dahil sa akin.


 


Angel Alde:

Who are you para i-ghost ako? Hindi porket birthday mo ay hindi ka na magpapakita sa'kin. Kung may problema man kayo ni Kuya, wag niyo kong idamay ha happy birthday tanga I love you, Ate. Ikaw ang the best!!

Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)Where stories live. Discover now