38

3 1 0
                                    

"Hoy, Kimen! Yung anak mo kanina puro lalaki kasama!" Napabuntong hininga ako nang marinig ko ang boses ni Nanay Marieta na sumigaw sa labas ng bahay.




Sinubukan kong hindi pansinin 'yon at patuloy pa din sa pagsu-suot ng sapatos ko pero narinig ko ang sinagot ni Papa. Nakita kasi ng mga chismosa kanina na magkasama kami nina Jhyrel. Nanonood lang naman kami ni Xandra at Natasya habang naglalaro sila ng basketball doon sa labas.



"Ah, mga kaibigan niya 'yon. Mga pinsan niya 'yong iba." Dinig kong mahinang sagot ni Papa.



"Talaga lang ha! Paano kapag pagtulungan yan ng mga lalaking 'yon!" Sagot pa ni Nanay Marieta.



"Hindi nga ako nakialam ng nabuntis ang anak mo tapos hindi alam kung sinong ama!" Pagalit na sagot naman ni Papa pero hindi ko na narinig na nagsalita si Nanay Marieta.



Napangiti ako sa sarili ko. Hindi naman ako dinefend ni Papa pero 'yon ata sa pakiramdam ko. Alam kong magagalit siya pero hindi ko nalang siya tinignan.



"Totoo ba 'yon, Sha?" I heard my Papa asked me. Nakaupo lang siya sa sofa habang nakatingin sa akin.



"O-Opo, Pa. Nanonood lang naman ako ng basketball kanina tapos nagpa-practice din ako. Hindi ko alam na n-naglalaro pala sina J-Jhyrel." Utal kong sagot pero hindi na naman nagsalita si Papa.



Nagpaalam na din ako sa kanya na papasok na ako sa Lifestyle. Alam niya na nagtatrabaho ako at hindi na din naman siya nagsalita pa. Kapag nasa bahay ako, lagi din akong nagsu-suot ng longsleeve o di kaya sweater para lang matakpan 'yong mga sugat na kamay ko lang din naman ang may gawa sa pulso.



I'm busy serving the customers when suddenly I feel someone is watching me. Nang tignan ko 'yon ay nakataas ang kilay ko habang nakatingin kay Ralph nang wala ng lumapit na customer.



"Payag ka non? Gagawin kang other woman?" Ngumisi siya.



"Alam mo... Noong una kitang makita, nagustuhan kaagad kita. Pero ngayon, tang ina ka!" Kalma kong sabi pero mas lalo lang siyang napangisi.



"Ganyan talaga kapag gwapo, lahat ng babaeng nakikita ako, nagugustuhan kaagad ako."



I breathe. "Kahit gaano ka pa kagwapo, kung hindi ikaw si Drake, wala akong pake sayo."



Mahina siyang tumawa. "Baguhin mo yang ugali mo, ha."

Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)Where stories live. Discover now