17

8 4 0
                                    

"Pa, magpapaalam lang po sana ako." Bungad ko kay Papa pagkababa ko mula sa taas pagkatapos kong magbihis.





"Saan ka pupunta?" He asked.




"Magpapaturo lang po sana ako ng basketball. Sa school lang din po. Tapos na din naman po akong maglaba. Wala na po akong gagaw—"




"Sinong kasama mo?" Nagulat ako nang bigla siyang sumigaw. "Ang mga pinsan mo?! Mga lalaki mo? Mga kaibigan mong basag ulo? Anong gagawin niyo? Shabu? Marijuana? Inom? O gagawa na naman ng kabastusan?!" Dugtong niya pang sigaw.




"Papa, maglalaro lang po ako dahil basketball po ang sinalihan ko para sa Intrams." mahina kong sambit.




"Totoo ba yang sinabi mo? Kailan ka uuwi? Yung lolobo na ang tiyan mo?"




"Papa.."




"Ano? Shaquira, Matino ka lang tingnan pero malandi ka literal! Kaya sinong maniniwala sa—" hindi na natuloy pa ang sinigaw ni Papa nang biglang dumating si Mama at sinampal siya.




Nagulat pa ako sa sampal ni Mama kaya napapikit ako habang tumutulo ang luha sa mga mata ko. Araw araw mas lumalala pa ang sinasabi ni Papa. Hindi ako makapaniwala na masasabi niya talaga sa akin ang mga katagang 'yon. Ang sabihin na malandi ako. Paano niya nakakayanang sabihin sa sarili niyang anak ang ganun?





"Shaquira, umalis ka na!" sigaw ni Mama.




Tahimik nalang akong umalis ng bahay habang umiiyak. Kahit pilit kong pinupunasan ang luhang tumutulo sa akin ay sige pa din itong tumulo na para bang walang planong tumigil. Lahat nalang ng mga sinabi ni Papa para sa akin ay masakit. Halos hindi ko na matandaan kung kailan pa siya kumalmang makipag-usap sa akin.




Buhay pa Papa ko pero bakit ganon? Daig ko pang nawalan ng ama.




Hindi ko alam kung nasaan na ako naglalakad pero bigla nalang akong may nakasalubong na biglang yumakap sa akin. Niyayakap niya ako habang hinahaplos ang buhok ko na para bang pinapatahan ako. His scent feels like home. Him hugging me feels like home. Pero hindi pa din nagbabago ang nasa isip ko, para pa ding kumakawala ang kaluluwa ko na para bang pilit na umaalis sa katawan ko dahil lang sa narinig ko kay Papa.

Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)Where stories live. Discover now