06

10 5 0
                                    

Biglang tumunog ang cellphone ko habang nagbabasa ako ng research ko kaya kinuha ko ito sa gilid ng lamesa ko dito sa kwarto at sinagot 'yon.



"Oh?" Inaantok kong bungad sa kabilang linya kunwari kakagising ko lang.



"Hoy! Gumising ka dyan! Alas dyes na ng umaga oh!" Natawa ako nang marinig ko sa kabilang linya ang boses ni Kuya Chaeun Pole.



"Eh ano naman? Umuulan naman sa labas..."



"Wala ba Mama at Papa mo?" He asked.



"Work work work work." Pakanta kanta kong sabi.



"Kaya pala..."



"Kaya pala ano? Gago ka! Himala at tumawag ka. Sa ating lahat, ikaw lang ang hindi ako tinatawagan sa phone ah!"



"Ako lang kasi ang may load. Poor sila this week eh. Nandito kami sa bahay nina Raiden. Si Drake lang at si Grasya ang nandito. Bumangon ka na dyan at pumunta ka dito. Tatawagan ko lang si Natasya saka si Xandra. Ikaw, puntahan mo si Skiedyl sa bahay nila." Mahaba niya pang saad.


  

"Ayaw ko. Bad influence kayo, iinom lang kayo dyan."



"Ano ka ba naman! Hindi tayo iinom, may sakristan dito. Tanga ka ba?" Natatawa niyang sabi sa kabilang linya.



Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw kong sumama minsan sa mga lakad nila or kapag pupunta kami sa bahay ng isa ay kailangan talaga may inuman kapag ganun. Kahit alam naman nilang hindi ako umiinom ay napipilit pa din ako ni Skiedyl at Skyler kaya wala na akong magagawa dahil minsan lang din naman kami magka-ayaan kapag walang gaanong gawain at gagawin.



"Teka, alam ko na kung anong nangyari. Nahihiya ka ba dahil sa ginawa mo? Ayaw mong pumunta dito dahil nandito si Drake?" nanunuring tanong niya pa.



"Bat ako mahihiya? Isa lang naman ang rason kung bakit ayaw kong pumunta dyan, eh. Nandyan si Drake. Nagkikita na nga kami halos araw araw sa school tapos magkikita naman kami kahit weekends. Ano to? Araw araw kamalasan ko?"



"Teka nga, ang boses mo parang hindi bagong gising ah! Nagsisinungaling ka na naman ba sa'kin?" Hindi ko na gusto marinig pa ang panenermon niya sa akin kaya pinatay ko na ang tawag.



Wala naman akong planong pumunta sa bahay nina Raiden. Halos every saturday na nga akong pumupunta dun tapos pupunta pa ako ngayon. Kaming tatlo ni Skiedyl at Raiden ang laging magkakasama pero ngayon lang ako nawalan ng ganang pumunta sa bahay nila. Bukod kasi na si Drake ang madadatnan ko doon ay alam ko namang wala namang kwenta dahil mag aaway lang kami doon.

Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)Where stories live. Discover now