23

6 4 0
                                    

"Shaquira, Gumising ka dyan!"




Dali dali akong bumangon nang marinig ko ang sigaw ni Papa at nabigla kaagad ako nang makita ko siya na nasa pinto na ng kwarto ko. Napabuntong hininga ako nang makita siya dahil alam kong galit siya. Kilalang kilala ko kapag galit siya.




Kinuha ko nalang ang tuwalya ko at tinalikuran si Papa upang bumaba na at maligo nang makita kong alas nwebe na ng umaga. This is the last day of Intrams. Noong wednesday, na move ang laban namin with Liceans Women's basketball kaya ngayong araw nalang.



 

Nang matapos akong maligo ay nagbihis kaagad ako. Nagsimula na naman si Papa sa kakasigaw at pagalitan ako. Hindi ko nalang 'yon pinansin dahil sa pagmamadali ko at bumaba na ako kaagad matapos kong magbihis nang hindi man lang sinusuklayan ang basa kong buhok.



 

"Ano Shaquira? Nagpapabuntis ka na ba? Sabi ni Vinci, madaling araw ka na daw laging umuuwi! Ano? Inaaksaya mo ang oras ng wala kami at nasa trabaho? Iniiwan mo na ang kapatid mong mag isa dito? Shaquira, sumagot ka! Wala kang kwentang anak!"




Pilit kong hindi pakinggan ang mga sinabi ni Papa habang sinusuot ko ang sapatos sa paa ko. Napapapikit pa ako sa sakit ng ulo ko pero isinawalang bahala ko nalang 'yon at tumayo na upang umalis na sana nang biglang hinigit ni Papa ang braso ko at kasabay ng pagharap ko sa kanya ay ang naramdaman kong hapdi sa malakas niyang sampal sa akin kaya natumba ako.





Pilit kong tumayo at sinuot ulit ang bag ko sa braso ko pero nang nakatayo ako ay sinampal ulit ako ni Papa sa pangalawang pagkakataon. Napangiti ako habang may tumutulong luha sa mga mata ko.



 

Grabe si Papa, sobrang mahal na mahal niya talaga ako!



 

"Wala kang kahihiyan! Madaling araw ka ng umuuwi! Kaya pala pagod na pagod ang itsura mo at mukhang may sakit ka dahil pala binebenta mo na pala ang sarili mo! Hindi ko alam kung kanino ka nagmana! Hindi naman ganyan ang Mama mo! Walang hiya ka! Wala kang dahilan!"




Napangaga ako nang makitang hinagis niya ang lugi ko kaya maraming barya at mga papel ng pera ang nasa sahig. Kinuha niya ang luging inipon ko para pang college ko. Binigay ko na sa kanila yung unang ipon ko, yung mas malaking ipon ko tapos kinuha pa ni Papa ang isa ko pang lugi.




"Papa, pang college ko 'yan, eh!" Umiiyak kong saad.

Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)Where stories live. Discover now