04

10 4 0
                                    

Nandito ako sa hallway at naglalakad habang nag iisip sa kung anong ipapaliwanag ko sa mga junior mamaya. 10 minutes nalang before one o'clock pero konti pa din ang naisip ko tungkol sa kung paano ko ipapaliwanag ng maayos ang tungkol sa STEM.



Kapag ganitong sitwasyon na kailangan kong magpaliwanag sa mga bagay bagay tungkol sa inaaral ko ay wala akong maisip pero pag nag o-overthink, sasabog na sa daming iniisip. Putang inang utak 'to. Baliktad, bobo!



Naisipan ko pang magdabog kanina sa Jabeh nang marinig kong nag paalam si Drake na mag te-take out daw siya sa Jabeh at dadalhan niya ang shota niya sa Liceo. Hindi ko naman talaga sinadya 'yon. Sumakto lang ang timing dahil nag kunwari akong masakit ang tiyan kaya nagdabog ako pero hindi ko naman talaga intensyon na gawin 'yon para di makaalis si Drake dahil wala naman na akong pakealam sa kanya.



Wala nga ba, Qui?



Madaming dumadaan dito sa hallway na nilalakaran ko na senior din katulad ko at nasasalubongan ko pa pero itong lalaking 'to na dahan dahan naglakad papalapit sa akin habang masamang nakatingin sa akin ay nakakairita. Ang sama niyang makatingin sa akin kaya ganun din ang ginawa ko sa kanya. Kung anong binigay niya, yun din ang ibabalik ko. Hindi ako natatalo sa eye to eye contact sa isang tao unless I have feelings with that person. Kapag tinitignan ako ng masama, tinitignan ko rin pabalik.



"Pre, do you think you can intimidate me or scare with that kind of stare?!" I sarcastically uttered nang nasa harap ko na si Drake at konti nalang talaga ay didikit na ang dibdib ko sa kanya. Malaki pa naman 'to.



Nakita kong may konting ngising aso ang bumuo sa labi niya pero hindi ko pa din iniiba ang paraan ng pag titig ko sa kanya. It's always nakakasama. Kaya ko mag maintain ng eye contact sa isang tao without a single emotion on my face. Kaya hindi niya ako pwedeng labanan.



"Marunong ka na palang mag english ngayon?" parang natatawang asar niyang sabi. "Marunong ka naman talaga diba pero sinasadya mo lang malian ang grammar mo para mapansin kita. Cool na ba?" Dugtong pa niya na ikinasalubong ng kilay ko.



"I speak english to enhance my vocabulary not to look cool and superior. Ang kapal ng mukha mo! There is no harm in using this means to express yourself. Tang ina mo! Practice makes perfect and there's always a room for improvement. Gago ka ba?"



"Galit ka na niyan? Kahit anong expression mo, galit man o hindi, nakangiti man o nakasimangot, demonyo parin sa harap ko." natatawa niya pang usal sa akin.



"Kung ang hayop ay nasa zoo, bakit ka nandito?" Mataray kong tugon na ikinangisi lang niya.



Gumagaan ba ang pakiramdam niya sa tuwing inaasar niya ako? Kapag pinapatulan niya ako sa pagiging masama ko sa kanya, pakiramdam ko tuloy bakla siya at ako ang sama ng loob niya buong buhay niya pero malabo naman kasing isipin 'yon lalo na't may girlfriend siya.

Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)Where stories live. Discover now