28

5 1 0
                                    

"Hi, Bartender Girl!" Someone greeted and my eyes grew widened when I saw Ralph infront of me.



Nandito siya sa Bistrot. Kung saan ako nagta-trabaho.



"Give me one glass of Liquors, Tequila Rose." He ordered.



Dali dali kong sinerve sa kanya ang inorder niya dahil gusto ko na siyang umalis. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya dito ngayon. Hindi ko nga siya nakita kanina sa school tapos nagpakita naman siya sa akin dito. Bakit hindi ko nga ba naisip 'yon? Yung pumupunta dito ang kapatid niya at sa sobrang yaman nila, kaya na nilang bilhin ang buong bar.



"Thank you, Habibi!" He smiled.



"Kabibi? Mukha ba akong kabibi? Tanga ka ba?" Galit kong saad sa kanya pero tumawa lang siya.



"I said Habibi, Shaquira."



"Habibi? Ano 'yon?" Kunot noo kong tanong.



"Arabic word of my love."



"Anong my love?" sabat naman ni Skiedyl na bigla bigla nalang dumadating. "Hoy Lascivious! Hindi mo na maaaring ligawan si Shaquira kasi may nagmamay-ari na sa kanya. Mas gwapo pa." Dugtong ni Skie.



"Hindi ko siya liligawan, hindi na pwede, eh!" Ngumisi si Ralph.



"Eh, bat mo siya tinatawag na my love?" Maangas naman na tanong ni Skyler at inakbayan pa si Ralph na bitbit ang glass ng tequila niya.



Inalis lang ni Ralph ang pagkaakbay ni Ralph at nakangisi siyang umalis dito sa counter. Nginusuhan naman ako ni Skyler at inirapan ako ni Skiedyl. And my eyes grew widened when I saw Drake walking towards us while looking at me with his cold stare and clenched his jaw.



"Andyan ka na pala, Bords!" Masayang bati ni Skiedyl. "Nakita mo siguro 'yong nangyari kanina noh? Nagseselos ka?" Skiedyl chuckles.



"Di ako magseselos dun. Walang wala sakin 'yun, sisiw." Iritadong sagot ni Drake at hindi man lang ako binalingan ng tingin ngayong nakalapit na siya.



"Nandito na naman kayo! Ginugulo niyo na naman si Shaquira!" Biglang sigaw ni Sir Jill dahilan kung bakit tumawa si Skie at si Skyler at si Drake naman ay nanatiling seryoso at hindi man lang nagulat.



"Hi Sir!" Kumunot ang noo ko nang makita si Natasya sa sabi ni Sir Jill at binati niya pa ito.

Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)Where stories live. Discover now