"Next week, this coming monday, intrams na. Sure ka bang wala kang sasalihang sports? Pang dagdag grades din 'yon, Qui." Saad ni Sevaschyan sa akin nang bigla siyang dumating dito sa friendship park ng CU at tumabi sa akin ng pagkakaupo.
He's right. But I don't know how to play any sports. I mean, I know how to play badminton but hindi masyado, hindi magaling. Wala talaga akong alam. Even volleyball, magaling sina Xandra, Natasya at Grasya sa paglalaro nun pero ako, nevermind.
"Hindi ko alam, Vasch." I answered him. "Wala akong alam na sports. Hirap pa ako sa grades ko kasi baka mababa na naman o mas bumaba pa." Dugtong ko pa.
"Ano ka ba naman! Turuan nalang kitang mag laro ng basketball bukas at sa linggo para kapag lunes na at intrams na, sasali ka sa CU Stallions Women's Basketball."
"Nag aaral ako para sa kinabukasan ko, Vasch." Nanghihina kong sabi.
"Ano naman ngayon? Bukas pa naman kita tuturuan at mag re-register ka ngayon."
"Pero mukhang hindi na ako aabutin ng bukas." Ani ko pa sa kanya dahilan ng bigla niyang pagbatok sa akin kaya binato ko din siya ng librong hawak ko.
Habang nag aasaran kaming dalawa dito ay nakita ko sa di kalayuan si Drake at si Toria na naglalakad habang malaki ang ngiti nila sa isa't isa. What is she doing here? Pwede bang makapasok ang isang outsider dito? Naka Liceo uniform pa siya, hindi na nahiya. Pareho kaming nakatingin ni Sevaschyan sa dalawa na nag-uusap. They looks so bagay pero kami ni Drake, hindi but we're match made in heaven.
Maglalakad na sana ako papunta sa kanila nang bigla akong hinawakan ni Sevaschyan sa palapulsuhan at sabay kaming napaupo ulit sa inuupuan ko kanina habang nag aasaran kami. Masama ko siyang tinignan pero 'yong mukha niya naman, parang natatawa.
"Pupuntahan ko si Toria, Vasch. I will apologize to her dahil tinusok ko siya. Baka lumuhod pa siya sa akin and beg me to give her a public apology." I sarcastically said and rolled my eyes on the air.
"Buang ka gyud," sagot niya sa akin na nakangisi. "Ba't mo ba pinagpipilitan sa sarili mo na tinusok mo siya where in fact maraming nakakita at buti nalang walang naka video na siya ang tumusok sa sarili niya?! Galit ka kay Drake dahil 'dun diba? At kapag nakikita mo si Tori, alam naming bumabalik ang lahat ng galit mo." Dagdag niyang sabi.
"Hindi ako galit kay Toria. Never akong nagalit sa kanya dahil wala siyang ginawang masama sa akin, tama lang naman ang ginawa niya. Tama lang na magalit siya sa akin dahil parang nilalandi ko ang boyfriend niya."
"Alam naming hindi ka galit kay Tori, alam ko 'yon. Alam na alam ko 'yon. Kay Drake ka naman galit dahil sa issue niyong dalawa sa isa't isa noon. Hindi mo lang matanggap na nagkagirlfriend siya matapos mong ginawa ang lahat para mapasayo lang siya pero hindi pa din nag success. Naging desperada ka pa nga, eh," mahabang sabi pa ni Sevaschyan kaya napabuntong hininga nalang ako.
YOU ARE READING
Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)
RomanceMOON ONSE #1 The story of a young senior high students in their teenage days spending their youth. They draw a process of bulding a dream and friendship and wander about in search of love while maturing and realizing their youth dreams under the enc...