39

3 1 0
                                    

"Ate," Tinaasan ko ng isang kilay si Angel nang tinawag niya ako. 




Hinihintay ko kung ano ang sasabihin niya.





Mapait lang siyang ngumiti sabay higop ng milktea.



 

"Kanina pa tayo dito. Ano ba talaga ang sadya mo? Wala na kami ng kuya mo." Deretsahan kong sabi.


 

"Naging kayo ba?" Mataray niyang tanong sa akin na nagpalakas ng kabog ng dibdib ko.



 

Tang ina!



 

"You know, I've always been so supportive to you. Hindi naman naging kayo ni Kuya para sa akin kahit ganoon ang turing niya sa'yo. Nagkabalikan pala sila ni Ate Tori pero hindi na seryoso pero mali pa din na sumawsaw ka, Ate. Other woman ka? Payag ka nun? Sa ganda mong yan?" Mahabang sabi niya na ikinatigil ko at napalunok ng maraming beses.



 

Hindi ko alam pero mukhang isang daang plema na ata ang nalunok ko. Plema na hindi na talaga mapipigilan ng lagundi.



 

"I don't want to call you like this but..." Angel paused. "Paano ka naging kabet ni Drake? I mean, ni Kuya ko?" She smirked. "Wala ka bang tutorial dyan, Ate? Yung step by step. May crush kasi ako kaso may girlfriend na siya. Gusto ko din sanang agawin. Idol na talaga kita sa lahat ng bagay."


 

"Tang ina!" Napamura ako.



 

Until now, hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa aming dalawa ni Drake. Pinapansin niya pa din ako katulad nung dati pero para sa akin, ang layo pa din talaga ng agwat namin sa isa't isa. Lagi pa silang magkasama ni Toria, isang bagay na kinaiinisan ko buong buhay ko. Yung utak ko, nagsisisi sa lahat ng nangyari na kasama ko siya pero yung puso ko, nagdadalawang isip pang sumang-ayon.



 

"Kumusta na kaya si Natasya noh? Mag i-isang buwan na simula nang hindi na natin siya nakasama." Lumingon ako kay Grasya nang narinig ko ang sinabi niya. Si Xandra naman ay patuloy lang sa pagsusuklay sa buhok niya sa harap ng salamin dito sa banyo ng school.


 

"Desisyon ba talaga ni Ate Nat na sa USTP siya mag-aaral?" nakangusong tanong naman ni Angel. "Mabuti nga lang si Ate Nat, eh. Nag-aaral pa din siya. Hindi tulad ni Kuya Vasch na hindi na nagpapakita sa inyo hanggang ngayon."


 

"Patuloy pa din siyang hinahanap nina Jaskim, Ate." Si Xandra na malungkot ang matang nakatingin sa akin. "Hindi pa din talaga nagpapakita si Vasch. Nasaan na kaya 'yon? Si Jaskim nalang sa pamilya nila ang naghahanap kay MVP."



 

Napabuntong hininga ako sa mga naririnig ko. Mag iisang buwan na naming hindi kasama si Natasya at mag iisang buwan na din simula noong nawawala si Sevaschyan or should I say, hindi na nagpapakita sa aming lahat. Wala naman kaming naging problemang mga Moon. Habang tumatagal, lumalayo na ang mga loob namin sa isa't isa. Hindi ko nga alam kung bakit nagagawa pa rin nilang tumawa habang hindi na namin kasama ang dalawa.

Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)Where stories live. Discover now