Nakakunot ang noo ko habang pinapanood ang monitor kung saan makikita ang hugis at porma ng batang nasa tiyan ko.
"Study first noon, nagpapa-ultrasound na ngayon." Pagpaparinig ni Skie kaya tinignan ko siya ng masama pero nasa monitor din ang tingin niya.
Tumawa si Mark at nahawa na din si Toria at ang ob-gyne doctor. At nang tumingin na sa akin si Skie ay mapait niya lang akong nginisihan.
"Ba't ganyan ka makatingin?" ani ni Skie. "Proud lang naman ako dahil naka uniform ka ng CU Nursing habang nagpapa-ultrasound." Dagdag niya at kinindatan pa ako.
"Congratulations, Quira! You have a twins!"
My eyes grew widened when I heard what the doctor said. I have a twins! Kambal ang anak ko? Wow! Grabeng blessings to! Sa lahat ng iyak ko, ito ang isusukli sa akin? Grabe! Sobrang worth it!
You are working behind the scenes, Papa Lord. Sobrang thank you!
"Yay! Grabe twins ang anak ko!" Malaking ngiting sabi ni Mark habang naglalakad na kami palabas ng Sacred heart.
"Anak ko 'yon, gago!" Pakikipagtalo na naman ni Skie.
"Ang layo layo ng mukha niyo kay Drake. Ang kapal ah!" saad ni Toria. "Ipapa-photocopy ko tong ultrasound picture mo, ah. Para may copy ako." sabi pa ni Toria habang nakangiting tinititigan ang hawak niyang print out picture ng ultrasound ko.
"Three copies. Bigyan mo kami." Ngumuso si Mark at nakita ko namang inirapan lang siya ni Toria.
"Pwede i-post sa IG?" Ani ni Skie at inakbayan pa si Toria.
"Paalam muna tayo kay Drake,"
"Hmp, mga tanga!" usal ni Toria at inalis ang pagkakaakbay ni Skie.
Napangisi ako sa pag-aasaran nila. Hindi ko kailanman naimagine na sila ang makakasama ko sa lahat ng ganito. Si Toria, lagi niya na akong sinasamahan kahit hindi ko naman kailangan. We treat each other as friends after all. She helped me. They helped me. And I am forever be thankful for that because even though I've lost the moon, God still gave me a friends who didn't judge me at anything.
YOU ARE READING
Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)
RomanceMOON ONSE #1 The story of a young senior high students in their teenage days spending their youth. They draw a process of bulding a dream and friendship and wander about in search of love while maturing and realizing their youth dreams under the enc...