19

6 3 0
                                    

"Psst Shaquira!"








Nililibot ko ang tingin ko sa paligid dahil kanina pa may tawag ng tawag sa akin. Wala naman dito sa classroom ang mga kaibigan ko dahil may kanya kanya kaming laro at itong classroom lang ng Stem1 ang pina buksan para may gawing pahingahan ang mga naglalaro ngayon kahit linggo para bukas sa intrams.








Hindi ko nalang pinansin kung sino man ang tumatawag sa akin at patuloy ko na lang pinupunasan ang sapatos ko ng wipes na ninakaw ko pa sa bag ni Drake. Aalis na sana ako ng room at lalabas ng may biglang sumalubong sa akin dito sa loob. It was Angel. Drake's devil sister.








"I called you Shaquira pero hindi ka lumilingon." Mataray niyang bungad sa akin at niyakap ako. "Alam mo bang namiss kita, Ate? Gusto ko mag tiktok ulit tay—"





"May laro pa ako, eh," sagot ko.








"Alam ko kaya hindi muna tayo mag ti-tiktok sa ngayon dahil lahat naman tayo pinaghahandaan ang intrams bukas. Sa Junior high ng CU, iba iba tayo."





"Ano bang kailangan mo sa'kin?" Tanong ko at nilagay sa bag ni Jhyrel ang wipes na ginamit ko. Sa kanya na tong basura ko.





"Gusto mo bang magka-work, Ate? I saw your post on twitter. Kuya chatted you but you just seen it. Hindi mo daw siya pinapansin. Oks lang 'yan, Ate. Wala namang pakealam si Kuya sa'yo, ako naman meron." Mahaba niya pang sagot sa akin. "May alam ako kung saan pwede kang mag trabaho, Ate. Promise, makakapasa ka sa requirements nila."








Tama siya. Kailangan ko nga ng trabaho. I posted "Bills Bills Love u." On twitter. Kailangan naming bayaran ang sa kuryente at tubig sa bahay. Kailangan din naming bayaran ang mga utang ni Papa sa pambili ng mga pagkain ng mga manok niya at utang nila ni Mama sa loob ng trabaho dahil hindi naman sapat ang kinikita nila every fifteen days.





"Saan? 17 years old, pwede?" I asked her.





"Pang part time mo lang naman, oo."





"Send me the details, then. Samahan mo ko kung saan man 'yan."





"As always, Ate. Hindi kita tatanungin kung anong problema mo, pero tutulungan kita." She smiled.








"Ba't ka ganyan sa'kin? Hindi ka dapat mabait sa akin. Hindi ba kayo magkaibigan ni Toria? Siya ang jowa ng kuya mo, hindi ako." Nagtatakang tanong ko sa kanya.








I really don't understand her kindness towards me. Hindi siya pwedeng maging mabait sa akin dahil may plano akong agawin ang Kuya niya sa tunay na nagmamay-ari nito. At kung magagawa ko 'yon, isa na akong certified na malanding babae.





"Mabait ako kay Toria at mabait din ako sa'yo and someday, you will understand why." Ngumiti na naman siya ng mas malaki pa sa akin. "Eh, bakit ikaw, Ate? Mabait ka din sa akin kahit may medyo mataray kang pakikitungo sa akin. Bakit ka ganun, Ate? We all know, hindi kayo good terms ni Kuya. Enemies kayo. Si Ate Natasya ang sabi nun sa akin." Dagdag niyang sabi.





"Ang kasalanan ng Kuya mo sa akin ay hindi mo kasalanan. Kung galit ako sa kanya, hindi ka kasali 'dun."








"May kasalanan siya sa'yo that's why you are mad at him? Pero bakit mo pa din siya pinapakisamahan ng maayos? Ano bang kasalanan niya?"








"Let's say, hindi talaga kasalanan pero nasaktan ako, eh, kaya nagalit ako." Pait akong ngumisi.





"Shaquira!" I heard Sevaschyan's voice.





Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)Where stories live. Discover now