08

8 5 0
                                    


"Alde, pinapapunta ka ni Inspector Rolly sa malaking apartment sa Tagoloan. Yung nabalitang nasusunog ngayon lang." Napalingon ako sa subject teacher namin dahil sa sinabi niya.



Nakita kong tumayo si Drake sa likod ko dahilan ng pagtayo din ng katabi kong si Xandra at sabay pa silang lumingon sa akin pero binalik ko lang ang tingin ko kay Ma'am. Kaming tatlo lang kasi ang nandito sa subject nato as usual lagi naman dahil same STEM kami at saka isa pa, wala kaming kasamang ABM o HUMSS dito.



"Pwede ko bang isama si Xandra Ma'am? Saka si..." Nakita ko sa peripheral version ko na napatingin sa akin si Drake. "Shaquira? Ah kapag pinapatawag po kasi kami ni Inspector, kasama ko po sila lagi."



"Hindi naman pinapasabi sa akin na kailangan mo silang isama pero sige, excuse na kayo sa two hours subject ko."



Tumayo na ako at sumunod sa dalawang lumabas pero nag iba ako ng daan sa kanila dahil alam ko namang pupuntahan pa nila si Natasya at yung mga gagong HUMSS.



"Hi!" Nginitian ko ang babaeng bumati sa akin pero nagkasalubong kaagad ang kilay ko nang inirapan niya ako bigla.



Gago ba siya o bobo?



Nilagpasan niya ako ng lakad kaya sinundan ko siya ng tingin at napamura ako sa isip ko dahil sa inis nang makita kong hindi pala ako ang binati niya kundi ang lalaking naglalakad kasunod sa akin. Hindi siya pinansin ni Drake kaya tumingin ulit siya sa akin ng masama. Lalapitan ko na sana siya at tatanungin kung anong problema niya sa'kin nang biglang hinatak ako ni Drake at nagpatuloy na kami sa paglalakad.



"Her name is Ella. Classmate siya ni Natasya nung 3rd year high." Tinaasan ko siya ng kilay dahilan ng pagtigil namin sa paglalakad.



Akala ko ba si Xandra ang kasama niya at tatawagin si Natasya at ang mga gagong HUMSS pero hindi, si Xandra pa talaga ang inutusan niya.



"Hindi ako interesado." I uttered. "Ba't mo ba ako sinusundan? You should go with Xandra and call the others instead."



"Kaya niyang tawagin silang lahat pero ikaw, wala kang kasama."




"Wala ding kasama si Xandra."



"Pero kaya niya ang sarili niya." kumunot ang noo ko sa narinig kong sinabi niya pero seryoso lang ang tingin niya sa akin at nag patuloy na sa paglalakad kaya sumunod nalang ako sa kanya pero nauna siya ng konti sa'kin.

Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)Where stories live. Discover now