18

7 3 0
                                    

I'm watching Drake dribbling and keeping the ball about waist-high. He's running while keeping his head up. Nakikita ko siyang laging natututong maglaro ng basketball pero lagi ko siyang nakikitang iniangat niya ang ulo niya at tumitingin sa paligid sa halip na tumingin sa bola habang tinatalbog niya ito. He always know how to control the ball just like Sevaschyan.



Aagawin na sana ni Skiedyl ang bola kay Drake pero magaling talagang komontrol ni Drake ng bola na kahit anong pang agaw ni Skie ay naiaalis ni Drake sa atensyon nito. Akala ko ipapasa ni Drake ang bola sa taong medyo malapit sa akin na si Kuya Pole pero sa akin pala pero hindi ko nasalo kaya natamaan ako ng bola sa ulo dahilan ng pagtumba ko at napahiga ako sa court.



"Anong nangyari?" Dinig kong sigaw ni Natasya.



"Hinampas mo ba ang bola kay Ate, Drake?" Si Xandra naman ang sumigaw.



"I'm just passing her the ball." I heard Drake answered.



"Ano? Game ka pa ba?" Natatawang tanong ni Skyler habang nakatingin sa akin na nakahiga.



"Hoy! Okay ka lang ba? Ano ba nangyayari sa'yo?" Tanong naman ni Sevaschyan.



"Buhay ka pa ba?"  Skiedyl asked me kaya napangiwi ako.



Hindi ko sila sinagot at sa halip ay hinawakan ko ang kamay ni Drake na nakalahad sa akin saka ako tumayo ulit. Medyo masakit ang ulo ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Naglalaro lang naman kami.



"Ba't mo kasi pinasa kay Quira ang bola, Drake? Hindi naman kayo team." Ani ni Jaskim.



"Oo nga, noh? Ba't mo sa kanya pinasa? Dapat sa akin. Tayo ang magka-team." Si Jhyrel.



"Ano? Tuloy pa ba? Maglalaro pa ba kayo?" Tanong naman ni Grasya. "Ako ang referee dito kahit medyo bobo ako. Ano? Reveal the score na? Or maglalaro pa?"



"Ilang minutes ba ang natira?" Kuya Pole asked her.



"May six minutes pa."



"Bored na ako. Tapusin na 'yan!" Sumigaw naman si Natasya at tumayo sa pagkakaupo sa bench sabay nag inat ng mga kamay.



"Ilang beses naka shoot si Ate?" si Xandra naman ang nag tanong.



"Four." Lumingon ako kay Drake dahil siya ang sumagot.

Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)Where stories live. Discover now