"Mama.. pwede niyo ba akong samahan sa s-school?" mahina kong sabi kay Mama dito sa sala habang nanonood ng TV si Papa. "Ga-graduate na po ako.." mas lalo pang naging mahina ang boses ko.
"Graduate?" Papa sarcastically laughed. "Sigurado ka? Baka naman gawa gawa mo lang 'yan? Wag mong ipasama ang Mama mo sa'yo. Ayokong mapahiya siya dahil anak ka niya. Hindi ka ba marunong mahiya sa sarili mo? Pwede ka namang umakyat ng stage na walang kasama! Para ano? Para sabihin ng lahat na Mama's girl ka pero ang totoo, hindi ka nga marunong rumespeto sa pamilya mo! Hindi ka na nga umuuwi dito! Hindi sasama ang Mama mo sa'yo! Buntis siya kaya magpapahinga lang siya! Hindi naman importante yang graduation na 'yan! Graduation lang naman 'yan! Wala ka din namang spesyal na makukuha!"
Nandito na naman ako sa punto ng buhay ko kung saan hindi ko na naman mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Ginagawa ko naman ang lahat pero si Papa, bakit ganun pa rin siya sa akin? Hindi naman siya ganun sa akin noong highschool palang ako. Noong grumaduate ako noong highschool, hindi naman siya nagsalita dahil dean lister ako nun. Gusto ko lang naman silang isurpresa ngayon na kasali ulit ako.
Hinawakan ni Mama ang kamay ko pero pilit ko pa ding pinipigilan ang luha ko. Nakita ko namang lumabas si Papa ng bahay.
"Anak..pasensya ka na.." mahinang sabi ni Mama. "Hindi kita masasamahan, anak.. masama ang pakiramdam ko... Magkakaroon ka na ng isang kapatid..." She forced to smile. "Apat na buwan na akong buntis, anak.. pero gusto ko lang malaman mo na.. kahit ayaw na sayo ng Papa mo... Anak pa rin kita at proud ako sa'yo.. Congratulations kasi konti nalang.. magka-college ka na tapos may anak na akong Doctor.."
Ngumiti lang ako kay Mama at hindi ko nalang siya sinagot dahil naubusan na ako ng sasabihin. Iniwan ko nalang siya sa ibaba at umakyat nalang ako sa taas at pumunta sa kwarto ko. Dapat maging masaya ako dahil ga-graduate na ako pero bakit ganito? Bakit hindi ako masaya? Kailan ba akong magiging masaya ulit? Wala na ba akong karapatan maging masaya?
I'm not sure If I am depress, but I forgot how's the feeling of being happy.
Napangiti ako nang makakita ako ng maliit na bleed sa ibabaw ng cabinet ko. Hindi ko alam pero bigla nalang naging magaan ang pakiramdam ko nang kunin ko 'yon. Kahit tuloy pa din sa pagtulo ang mga luha sa mata ko ay nakangiti pa din ako. Umupo ako sa sahig at sumandal sa gilid ng kama ko kasabay sa paghati ko sa kamay ko malapit sa pulso.
Nakaramdam ako ng saya ng makita ko ang umagos na dugo kaya hinati ko pa ulit sa ikaapat na beses kaya marami ng dugo ang lumabas kaya sinubukan ko ulit hanggang naging onse na ang hati nito. Wala pa din akong naramdamang sakit kaya tumigil nalang ako dahil kompleto na naman ang linya sa kamay ko.
"Hindi ko na kaya..." iyak kong sabi habang nakatingin sa kamay kong marami ng laslas. "Pagod na po ako, Lord... pagod na po akong inaapakan ng mundo..."
YOU ARE READING
Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)
RomanceMOON ONSE #1 The story of a young senior high students in their teenage days spending their youth. They draw a process of bulding a dream and friendship and wander about in search of love while maturing and realizing their youth dreams under the enc...