"Yung attempted murder na na solve natin kaninang umaga, kahina-hinala." Si Xandra habang ngumunguya ng burger dito sa Canteen.
"Mas mabuting wag mo ng isipin 'yon. Ang pagiging bobo mo lang naman ang ma-i-ambag mo sa mga kaso." Natatawang pang aasar ni Kuya Pole sa kanya.
Pailing iling nalang akong napangisi sa asaran nilang dalawa. Pag mag kasama kaming lahat, hindi talaga pwedeng walang nag aasaran. Kami lang naman tatlo ang nandito dahil nasa national bookstore pa si Natasya, at si Grasya lang ang nag presinta na sumama sa kanya dahil may kailangan pa kasing panagutan ang boyfriend niyang si Skyler.
"Oo nga pala, nasaan na ang mga unggoy boiz?" Pang aasar kong tanong kay Kuya Pole pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Baka nakakalimutan mong isa ako sa mga boiz." Inis na sagot nito sa akin.
"Moon Rule #1, Be honest." Napalingon ako kay Xandra sa nakangiting sabi niya. "Si Ate ang gumawa ng rule na yan so you better be honest and tell us the truth kung nasaan na ang mga unggoy." Dugtong pa ni Xandra and then Kuya Pole looked at me intense.
"Actually, basketball. Natalo kasi si Skyler sa dare namin kanina sa isang subject. Siya ang may pinakababang score kaya kailangan niyang managot. At kapag natalo niya si MVP Sevaschyan, hindi na mawawala sa kanya ang motor niya. Ayon kasi ang pinusta niya." Natatawang sagot ni Kuya Pole. "Audience niya doon sina Jaskim at Jhyrel. Ewan ko baka nandoon din si Skiedyl."
"How about Drake?" Ininom ko nalang ang milktea ko dahil sa naging tanong ni Xandra.
Awkward pa rin kasi para sa akin kapag si Drake na ang usapan kahit matagal na panahon na naman simula nung nagawa ko sa kanya noong last year namin sa high school. It's been two years na at grade 12 na kami second semester. Walang may alam sa tungkol dun kundi kami lang dalawa ni Drake. Mabuti nalang at ginawa niyang sekreto 'yon bago pa man nagawa ang rule ng moon onse.
"STEM Student ang girlfriend niya, diba? Pinuntahan niya sa Liceo kanina nung out na." Kuya Pole answered. "Bakit hindi niyo alam? Kaklase kayo diba? Pareho kayong STEM."
"Akala ko kasi pumunta kaagad siya sa room niyo. Nagtaka nga ako pinitik niya lang noo ko bago siya umalis. Wala talaga siyang pagmamahal!"
"Naalala mo ba girlfriend niya, Quira?" Nasamid ako sa pag inom ng milktea dahil sa naging tanong sa akin ni Kuya pero umubo din ako bago pa pumasok sa ilong ko ang milktea na ininom ko. "Ano ka ba naman, mag ingat ka naman!"
"Huh?" kunwari hindi ko narinig.
YOU ARE READING
Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)
RomanceMOON ONSE #1 The story of a young senior high students in their teenage days spending their youth. They draw a process of bulding a dream and friendship and wander about in search of love while maturing and realizing their youth dreams under the enc...