01

27 6 0
                                    

Aalis na sana ako sa role play pagkatapos nung nangyaring 'yon sa pagitan naming dalawa ni Drake. But this mindset of mine suddenly changed dahil naisip kong i-recruit ang mga pinsan kong gumawa ng rp. I didn't delete my former role play account instead hinayaan ko lang 'yon at gumagawa nalang ako ng bago kasabay ng mga kaibigan ko.



Before, I don't know the meaning of rpw but maybe because of my curiosity I made one kaya nga nakagawa ako ng paraan para pag aksayahan ng oras si Drake noon pero hindi ko naman 'yon sinasadya at hindi ko din pinagsisihan 'yon. Nabayaran ko na ang 50 pesos kong utang sa kanya just by giving him a load para makapaglaro siya ng mobile legends. Nakuha ko ang number niya at ginawa kong favorites sa contacts ko matapos ko itong isave bilang 'husband'.



There's nothing that will last forever in role play world. The friends I met there before, they all disappeared like a bubble. I just now see them online but nothing because I know they already forgot me. Kaya nga gumawa ako ng bago at ni-recruit ang mga pinsan ko. Gumawa ako ng group chat para sa amin and I also add my other friends there including my ka-trio, Skiedyl and Skyler. Magkakakilala lang naman kaming lahat at sobrang close talaga namin sa isa't isa pero hindi ko naman inaasahan nun na i-a-add pala ni Grasya si Drake. I know they are close friends but Grasya doesn't know about us kaya hindi ko naman siya pwedeng pagsabihan na paalisin niya si Drake kaya pinili ko nalang buohin 'yon. We are now a squad. A Moon Onse who likes adventure and solving crimes at nagpapaka ala-detective kahit bobo.



"May same schedule ba tayo ng isang subject?" Skiedyl asked me at nagkibit balikat lang ako. "Pagod na kasi akong lagi ko nalang nakikita ang mga walang kwenta nating mga kaibigan lalo na si Skyler. Pagod na din ako sa mukha mo. Gusto kong tanungin si Xandra kung may same sched kami pero naisip kong sa'yo nalang dahil same naman kayong STEM students. Hindi ko kasi siya nakita simula kaninang umaga." Mahabang dugtong pang usal niya.



Hindi ko pa din siya sinagot at hinayaan ko lang siyang magsalita pero nakikinig naman ako sa kanya. Sinundan niya kasi ako dito sa rooftop habang nagpapahangin ako. Lagi niya lang naman sinisira ang mood ko.



"Bat hindi ka nagsasalita? Are you mute na ba? Thirty minutes nalang next class ko na pero sabay pa din tayong lahat mag lunch, ah, kahit na enemies kayo ni Drake, still pakitunguhan mo siya ng maayos at wag kang mag maldita." Saad pa niya.



"You better go, boi!" I said seriously at siya namang ginawa niya.



Umalis na siya at iniwan ako. Ganun talaga siya. Wala siyang kwentang kaibigan. Aalis na din sana ako at bababa na para pumunta sa last subject ko before lunch nang biglang nakasalubong ko si Drake. Bumuntong hininga ako at lalagpasan na sana siya pero kinausap niya ako. Hindi ko nga alam kung bakit dito siya nag aaral sa school na pinapasukan ko where in fact sinabi niya sa amin na sa Gusa Regional Science and Technology daw siya mag se-senior high.



"Klase na natin." He said kaya tinignan ko siya ng masama.



"Alam ko. Kaya nga aalis na ako eh. Eh ikaw, Bat ka nandito? Same tayo lagi ng sched kasi gaya gaya ka ng strand." Mataray kong usal sa kanya.

Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)Where stories live. Discover now