37

3 1 0
                                    

"Drake," I sighed. "Si Toria. Paano siya?" I asked.




Matagal ko ng gustong itanong 'yon sa kanya. At ngayon lang ako naglakas ng loob itanong 'yon. Ngayon lang na nakahiga siya sa dibdib ko dito sa kwarto niya habangb yakap ako at ako naman ay  nilalaro ko ang buhok niya.




"What about her?" He asked.



"Kung wala siguro ako, masaya kayong dalawa ni Toria ngayon."



"Ikaw lang ang pipiliin ko sa araw araw." He said. "Pipiliin kita higit sa lahat ng alinlangan sa mundo."



"Hindi ako ang mga type mo sa babae. You want mature and mature body. Maganda lang ako pero wala akong talent. Hindi din maganda ang katawan ko."



"Sinong nagsabing wala? And please stop talking about Tori." He calmly said. "You are now being insecure about yourself. I don't care about it. Para sa akin, wala ng mas gaganda pa sa'yo at mas mamahalin pa kita ng husto."



Napatahimik ako sa sinabi niya. Wala ng magmamahal pa sa akin ng katulad ng pagmamahal ni Drake. Nagkatinginan kaming dalawa at nginitian niya naman ako at hinahalik-halikan ang ulo ko.



"Tandaan mo naman ang lahat ng sasabihin ko," He pouted and I feel his hand cupping my breast that make me lose my mind again. "I'm the one who wants you when in the room is empty and still the only one who chose you even when a room full of Tori."



Just like my Mama, Drake also given me hope and he was there when I witnessed any failure. I forever appreciated Skiedyl dahil lagi din siyang nandito sa akin. Silang dalawa ni Skyler. They have given me love and care when I felt dejected.



"Ano? Masaya ka na ngayon?" Napakurap ako nang sumigaw si Papa. "Sinabi sa amin ni Ryz na nagta-trabaho ka daw sa isang bar! Akala ko binebenta mo na ang katawan mo! Yun pala ay nagmamarunong ka at kapag nalaman ng iba o lahat na nagta-trabaho ka, sasabihin nila walang kwenta mga magulang mo! Shaquira, saan utak mo? Hindi ka na natuto!"



Akala ko tapos na. Akala ko ayos na. Akala ko okay na ako. Okay na na bahala na kahit hindi kami magkausap ni Papa. Masakit pa din pala. Masakit kapag nakikita ko siya sa loob ng bahay na hindi na kami tulad ng dati. Hindi na niya ako sasalubungin ng yakap niya dahil lang sa isa kong pagkakamali.



Ito talaga ang problema ko, eh. Hindi ako maayos-ayos pero lumalaban naman ako. Hindi din ako makaramdam ng galit kay Papa, puro sakit lang talaga.



"Ano, Shaquira? Aalis ka ba dyan sa punyetang trabaho mo? Kung hindi sinabi ni Ryz sa akin kahapon, hindi ko malalaman! Mabuti pa si Ryz sa'yo! Walang wala ka talaga sa kanya! Nakapera pa siya sa isang araw! Yung perang 'yon mas malaki kaysa sa sahod mo! Yung 8k mo sa dalawang buwan, isang araw lang 'yon para sa kanya! Hindi ko maintindihan kung bakit kagaya mo pa ang maging anak ko!"

Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)Where stories live. Discover now