36

5 1 0
                                    

"Why did you post Shaquira in IG?" napalunok ako sa narinig kong tanong ni Natasya kay Drake habang naghihintay kami ng oras dito sa Friendship park ng Capitol.





We were going to take an Entrance exam in a few minutes now.





"Kita mo 'yong comment ko doon, Saida?" Nakangising sabi ni Skiedyl. "Katulad nung post, joke lang 'yon."





Ilang beses ko ng sinabi kay Drake na idelete 'yong post niya pero hindi niya ginawa. Lagi niya lang sinasabi sa akin na ang opinyon ko ang pinakaimportante sa lahat pero lagi nalang exempted kapag may sinasabi ako sa kanyang wag niyang gawin.





"Bakit? May problema ba sa post ko?" Drake said, smirking.





"Oo nga naman, Nat. Hello!? Hindi mahilig si Drake sa socmed pero na-post niya na din tayo." sabi naman ni Grasya kaya napairap nalang ako sa kawalan.





"Okay ka lang, Qui?" Tanong sa akin ni Sevaschyan sa tabi ko na kanina pa naman may binabasa.





Tumango lang ako sa kanya at binuksan ang IG account ko sa phone. I stalked his IG and I saw his bio which is, Isaiah 41:10 and a cursive TRESE sa ibaba. I don't what it means.





I clicked his latest post which is picture naming dalawa sa harap ng bahay nila. Gabi na 'yon kinuha at kapitbahay niya pa ang kumuha ng picture na 'yon. Ang ganda pa dahil nakita ang buwan sa langit. Nakasakay ako sa motor niya at siya ang nasa likod ko at nakahawak sa beywang ko at ako ay nakahawak sa throttle para kunwari ay ako ang nagmamaneho pero hinarangan niya naman 'yon sa likod para hindi kami matumba at pareho pa kaming may suot na helmet pero bukas naman ang salamin nun kaya nakita ang nakangiti naming mukha. The caption written was , 'mi paseo o morir' with a red heart emoji beside it.





Lahat ng kaibigan ko ay ni-like 'yon. I found out the meaning of his caption when I saw its automatic translation sa ibaba. It was, my ride or die. That was his caption in english. Sa lahat ng kaibigan ko, si Skiedyl lang ang walang kwentang nag comment. Even Artemis like it, pati si Khair, Ralph, Jewel, Dianne, at marami pang iba.





skiedylll: Hi, Im sorry to say this but your post is annoying. I felt really annoyed, so I will report your account because that should be me, holding your hands, that should be me, makin' you laugh, that should be me, this is so sad. That should be me, that should be me.








Napangisi ako sa naging walang hiyang comment ni Skiedyl. When the time comes and we all done taking the exam ay umuwi na din ako ng bahay pagkatapos. Humiga lang ako saglit habang tinuturuan ang sarili kong maglaro ng ML. Tumigil na din naman ako nang nakatanggap ako ng video call sa messenger and I immediately answered it when I saw it was Drake.





"Nasaan ka ngayon?" I asked him.





Nakita ko kasi ang background niya na parang nasa opisina pero pilit niyang tinatakpan 'yon. Parang pormal din ang suot niya kaso pilit niya ding dinidikit ang mukha niya at panay pa-cute pa siya sa camera.





"Sorry, galit ka ba?" Mahinang sabi niya at hindi sinagot ang naging tanong ko. "Hindi mo ko pinansin kanina after we took the exam. May problema ba tayo, baby? Galit ka ba kay Drake?" He pouted.





I shook my head. "Lagi akong galit sa'yo."





"Lagi kang galit pero umiling ka," He said, smirking. "Ang cute mo naman, baby..."





"Galit ako today. Sabihin mo calm down, baby calm down." Mataray kong sabi bago kami sabay na nagtawanan.








"Ibang calm down ata ang gusto mo," He teased and I rolled my eyes on him.








Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)Where stories live. Discover now