45

10 1 0
                                    

"You will start taking your prenatal vitamins, okay mommy?" The midwife said. Siya ang gp na kinuha nila sa akin.





After she discussed to me about medication, I found out that I am already in my 9 weeks of pregnancy. Kaya pala medyo lumalaki na ang tiyan ko at habang tumatagal to ay mas lalong kinakabahan ako.



 

Tang ina! Buntis talaga ako? Buntis ako.



 


Paulit ulit ang mga salita ni Papa Renee sa utak ko kaya mas lalo lang akong nahihilo. Naghahalo pa ang lahat ng emosyon ko. Kinakabahan, natatakot at galit para sa sarili ko.





Hindi ko alam pero bigla nalang akong nakaramdam ng pagod. Gusto kong kumain na parang ayaw ko din. Para akong nilalagnat at masama pa ang panglasa. Hindi ko naman sinadyang mabuntis ako. Pinatulan ko si Drake kasi akala ko baog siya.



 

Wow, Shaquira! Baog ang ganun ka gwapo?! Nice joke!



 

Nang makauwi ako sa bahay ay hindi naman importante ang presensya ko. Wala akong nadatnan kahit isang tao. Ako lang mag-isa. Lagi namang ganito. I can't feel the feeling of being home here anymore.



 

I tried to sleep but then suddenly Papa came. He slapped me. Not once, not twice but thrice. I don't know what I did sa dami ba namang nagawa ko.







"Wala ka talagang kwentang anak kahit kailan! Wala ka ng nagawa sa bahay na 'to! Alam mong nasa trabaho ako pero inuna mo pang pumunta sa kung saan saan! Alam mong malaki na ang tiyan ng Mama mo pero iniwan mo siya! Wala ka na ba talagang pamamalasakit na natira para sa pamilya mo? Ikaw ang pinakamalaking malas na dumating sa akin! Pinagsisisihan ko kung bakit naging anak kita!"



 

"Nanganak ang Mama mo na walang tumulong sa kanya kundi ang kapatid mo! Eh, ikaw? Ikaw ang panganay pero putang ina! Wala kang kwenta! Wala kang silbi!"

 




And then I cried. Hindi ko alam. Nagpaalam naman ako kay Mama that I want to watch the championship game with my cousins. Pumayag naman si Mama. Pero mali pa din ako kasi tama naman si Papa, eh. Hanggang kailan ako magkakasilbi?



 

Dapat nandito ako nung manganganak si Mama kasi nga ako ang panganay. Dapat binabantayan ko si Mama kasi ako ang panganay. Minsan lang naman ako nagiging masaya pero bakit sa tuwing gusto kong sumaya, mali pa din? Ganun ba kahirap ibigay sa akin ang salitang kasiyahan? Bakit ba napaka-unfair ng mundo para sa akin?



 

Pagod na pagod na ako na kahit gusto ko na ding magpahinga, hindi ko magawa kasi panganay lang naman ako.



 

I received a text message from Drake. Isa pa siya. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Grabe namang sakit 'to! Sunod sunod.

Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)Where stories live. Discover now