55

5 3 0
                                    

"Ba't amoy laway ako kagabi?" bungad ni Skyler nang biglaa siyang dumating dito sa penthouse at umupo upang sumabay ng mag umagahan.





"Di ko alam.. sakit ng ulo ko!" Napahawak ako sa ulo ko at pinagpatuloy ang pag ti-timpla ng gatas sa kambal.




"Momma, mas masakit kapag walang head.." sabat ni Serenity.




"Hoy! Napaka lasinggero niyo!" saad ni Toria at umupo sa katabing upuan ni Draven. "Qui, 'yang itlog ang ulamin mo.. nakakawala 'yan ng sakit sa ulo dulot ng chemicals.."




"Alak ininom namin, Tori.." Skyler smirked.




"Isa ka pa!" Nilagyan ni Toria ng itlog ang plato sa harap ni Skyler. "Itong itlog din ang kainin mo. Kumain din kayo ng saging para mabilis mawala ang hang over niyo."




"Momma, done na itong coffee niyo.." binigay sa akin ni Draven ang tasa ng kapeng siya mismo ang nagtitimpla sa akin.




"Thank you, Kuya.." I uttered.




"My pleasure, Momma.." ngumiti siya kaya napangiti din ako nang maalala ko ang mukha ni Drake.




"Raiden!" dinig kong sigaw ng boses ni Kuya Pole at tama ngang siya ang narinig ko. Umupo siya sa tabi ni Toria.




"Ano?" Inis na tanong ni Skyler.



Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)Where stories live. Discover now