15

7 4 0
                                    

"Maiwan ko na kayo at pupunta lang ako sa kusina para mag me-meryenda mag isa." pagpapa-cute na saad ni Angel.




Ang babaeng katulad niya ay hindi deserve na tawaging Anghel. Nagsinungaling siya sa akin na magpapa-tutor siya when all this time marami akong nakikitang nakapangalang medalya at certificates niya dito. Matalino siya gaya ng Kuya niya kaya madali niya akong nauto. Magiging mabait lang ako sa kanya kapag sigurado ng sister in law ko na siya.




"Wala akong alam sa ginawa ng kapatid ko."  Drake smirked at biglang pumasok sa kwarto kung saan siguro siya lumabas kanina ng hindi ko napapansin dahil busy ako sa kakakuda kay Anghel.



Sumunod ako sa kanya at nang makapasok na sana ako ay bigla niya namang sinarado ang pinto kaya hindi natuloy. Tatalikod na sana ako nang marinig kong may kumatok mula sa loob so I tried to push the door knob kaya nabukas at nakapasok ako.



Ngayon lang ako nakapunta at nakapasok dito sa kwarto ni Drake. Ang mga magulang niya ay nasa Cebu kaya minsan ay pumupunta dito sina Natasya ng hindi ako kasama dahil lagi kong sinasabi na busy ako. Hindi pa kasi ako handa nun na kilalanin ang magiging mother and father in law ko in the future.



Ang kwarto ni Drake ay medyo malaki pero makikita mong napakasimple pero sobrang ganda. Mukha na talaga siyang tunay na Engineer sa itsura ng kwarto niya. May maliit siyang computer sa gilid at ang wallpaper niya ay kulay itim na may maliliit na moon at stars. Matagal akong napatingin sa pumukaw ng atensyon ko na nakadisensyo sa pader niya. It was a photo of the Moon Onse noong kinoronahan akong Renaissance Queen. Malaki pa ang litrato at magkatabi kami sa litratong 'yon. Siya ang may hawak sa isang bulaklak na para sa akin dahil hawak ko ang tulips na binigay niya. 'Yon kasi ang unang natanggap ko kaya 'yon ang hawak hawak ko at huli ko lang nalaman na sa kanya pala nanggaling.



"Sobrang ganda mo ngayon, Putol." Mataray akong napalingon kay Drake dahil sa sinabi niya. Inulit niya lang ang sinabi niya kanina tapos tatawa ulit siya.



Nakabihis na siya kaya medyo nairita ako. Hindi niya naman kailangan magbihis. Ayos lang naman na mag hubad siya dahil bahay nila to at kwarto niya to. Hindi naman ako titingin sa maganda niyang katawan, susulyapan ko lang naman. Napakadamot! Akala mo naman ata maganda ang katawan nya, medyo lang naman!



"Ngayon lang? Hindi ka rin pala talaga uto uto, Alde. Honest ka rin pala pero ayusin mo, hindi lang ngayon." tunog galit ang boses ko.



"Ang sexy mo. Hindi ka pwedeng umuwi mag isa ngayon na ganyan ang suot mo. Gusto mo suotin ang sweater ko?"



"Ayoko nga. Baka mabaho ang kili kili mo!"



"Talaga? Ba't hanggang ngayon hindi mo pa sinusuli ang leather jacket ko?" Inirapan ko nalang siya dahil sa sinabi niya.

Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)Where stories live. Discover now