25

6 4 0
                                    

"Alde, tawag ka ni Alonzo sa labas!" Isang kaklase namin ang biglang sumigaw.



"Ano na naman bang kailangan ng siraulong Raiden na 'yon? May sinosolve akong mathematical problem, eh," He complaine.



Nakita kong tumayo si Drake na nakaupo sa likuran ko. After the Intrams, ang mga kaklase ko ay hindi na ako kinakausap. Iniiwasan na nila ako at si Xandra lang ang lagi kong nakakausap dahil siya na lang naman ang katabi ko. Hindi katulad noon na I was always greeted with welcoming smiles and friendly gestures, but now, there's nothing remarkable. Hindi ko pa nakikita si Ralph ngayon. Kailangang kailangan ko siyang kausapin.



"You've been shooting glances at me." Drake suddenly whispered.



Parang may milagrong nangyari sa kanya kahit sinabi ko naman sa kanya kagabi na kailangan ko na siyang layuan. Hindi ko na siya tinignan. I paid him no attention na parang hindi siya nag e-exist sa buhay ko. I try to distance myself from him. Hindi ko din siya sinagot upang kausapin pa habang dumaan siya sa gilid ko para lumabas na at puntahan si Skyler. Hindi man lang pumasok dito sa loob ang gagong 'yon. Kung pupunta naman 'yon dito, deretso pasok naman 'yon. Hindi na kailangang tumawag pa mula sa labas.



"Alonzo? Si Skyler 'yon diba? Siraulong gagong 'yon! Bakit hindi na lang siya pumasok dito?" Iritadong saad ni Xandra sa tabi ko. "Anong glances, Ate? May something ba sa inyo ni Drake? Glances ang endearment niyo? Ang corny ha! Ano bang meaning 'yon? Shumu-shoot ka ng glances sa kanya? Pati pala sa kanya, nagba-basketball ka! Grabe namang disqualified 'yan! " tawa tawa niyang dugtong.



Tang ina naman!



"Putol," I heard Drake called from outside.



"Tawag ka, Xan." Siko ko kay Xandra.



"Putol ka rin," Xandra answered.



"Kayo ang close."



"Close din naman kayo dahil may payakap yakap pa kayo nung iyak na iyak ka. At saka isa pa, Xandra ang tawag niya sa akin, hindi Putol." paliwanag pa ng tanga.



"Lumabas daw kayong dalawa!" ani naman ng isang kaklase namin na masama pa ang tingin sa akin.



Napapikt ako sa inis bago tumayo kasabay ni Xandra. Nauna pa siyang naglakad sa akin palabas habang ako naman ay nakasunod sa kanya at nang makalabas na kami ay hindi naman si Skyler ang nadatnan ko. Si Sylon at si Sofia.



"Put— kala ko si Raiden! Bakit?" Bungad ni Xandra.

Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)Where stories live. Discover now