"Bat ikaw lang mag isa dito?" Napalingon ako sa biglang nag salita at nakita ko si Sevaschyan. Nginitian niya ako pero pait lang na ngiti ang binigay ko sa kanya. "Wala na ba kayong klase?" He asked again.
"General meeting daw ng mga parents." I answered.
"Ngayon? Wala namang sinabi sa amin."
"Oo, highschool."
"Huh?"
"Sa kapatid ko."
"Ay gago ka!" Inirapan ko siya dahil minura niya ako.
Tumayo siya at pumunta sa counter upang pumila at siguro mag order ng makakain. Nandito lang kasi ako sa gilid ng table dito sa canteen mag isa at nakaupo tapos bigla siyang dumating, wala naman akong ginagawa. Tinignan ko ulit si Sevaschyan na ngayon ay nakangisi ng nakatingin sa akin kaya kumunot ang noo ko nang naglalakad na siya palapit sa akin ulit at iniwan ang pilang pinipilahan niya.
"May gusto palang kumausap sa'yo. Actually, kanina pa siya naghihintay. Nag cutting classes siya para makita ka lang so you should be thankful." Hindi ako nagsalita at hinintay ko pa ang idudugtong niya. "Clue, marami silang magpi-pinsan at naging crush mo din siya."
Sa sinabi niya, alam ko na kaagad kung sinong tinutukoy niya. Kinindatan niya pa ako bago siya bumalik sa pila. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa upang sana'y i-text si Skiedyl nang biglang may lalaki ng pamilyar sa akin ang umupo sa harap kaya nasa kanya na ngayon ang atensyon ko. Hindi ako makapaniwalang ang isang tulad niya ay mag ka-cutting classes para lang makapunta dito at makausap ako. Wala ata sa vocabulary ng lalaking 'to ang bagay na 'yon pero ginawa niya akong exception.
"Hi!" He greeted me kaya tumayo ako upang tanggapin siya at yakapin pabalik nang yakapin niya ako. "You're not in the mood. Kilala ko ang mukha mo."
"Ano nga palang sadya mo?" I asked directly.
"Gusto ko ng tapusin ang talking stage natin."
I nodded. "Sure. No problem. Nakakasawa na din kasi."
"Tang ina! Gusto ko na kasi na tayo na." yumuko ako dahil hindi ko alam ang sasabihin. "Ang pinakatanga kong ginawa, wag ka lang mawala, nakipag talking stage ako sa'yo sa loob ng dalawang taon." Dugtong niya.
"Isa kang Allena. Makakahanap ka ng maraming babae tulad ng lagi niyong ginagawa mag pi-pinsan." I said.
"Mabuti naman kung ganoon pero pinagmamalaki na kasi kita."
"Let's just gonna keep ignoring each other and act like we don't miss us. Kaya mo ba?"
"Totoo?" paninigurado niya.
"Hindi ako nagbibiro."
"Sayang ka sa'kin. Ganda mo pa naman, sobra. At thank you sa pagiging clear." Nginitian ko siya. Lagi siyang ganun. I giving him mixed signals pero sa huli, he will end up complementing me. "By the way, itutuloy ko pa din ang pagpapakilala sa'yo sa pinsan ko."
"Yung isang babae ang gusto ko. Yun naman ang tinutuloy mo, Khair, 'di ba?" I asked and he nodded.
"Yes. The one who's using me to lie to his parents about how she's at my house when she's actually out with a guy." Pailing iling akong natawa sa sinabi niya.
YOU ARE READING
Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)
RomanceMOON ONSE #1 The story of a young senior high students in their teenage days spending their youth. They draw a process of bulding a dream and friendship and wander about in search of love while maturing and realizing their youth dreams under the enc...