24

9 4 0
                                    

"Sobrang salamat sa pera nato, Sir." I thanked Sir Jill.









Natanggap ko na ang unang sweldo ko. Maiibigay ko na din to lahat kay Mama. But this 2500 a week is not enough para sa billings namin but this is worth it. Pinaghirapan ko 'to ng sobra eh. One week na akong walang maayos na tulog dahil dito. And today sunday night ko ito natanggap.






"Pinaghirapan mo 'yan so thank you din, Shaquira." Sir Jill smiled. "Deserve mo ang masasayang bagay sa mundo."






I know I deserves the happiest things in the world pero mas deserve ko ang ang makalaya sa sitwasyon na hindi ko talaga deserve. Sa tingin ko, mas ayos 'yon para sa akin.






Umalis na din si Sir Jill sa harap ko at kasabay nun ang biglang pagtunog ng cellphone ko kaya kinuha ko ito sa likod ng suot kong pantalon at napangiti ako nang makita at mabasa ko ang text sa akin ni Skiedyl.





From: Skiedyl

Hey, Good eve, Parekay! Don't stress yourself too much. Okay? Ily.








I feel comfort in my heart as I read it. Nag reply ako kay Skiedyl saka ko binalik ang cellphone ko sa likod dahil may dumating na namang bagong customer.








"Anong Beers in Bucket niyo dito?" The woman asked me. "Kung may Tiger Crystal na black, 'yon nalang. Six bottles 'yon diba? How much?"








"450, Miss." I answered.








"Ang mahal naman!" She demanded kaya napangiwi ako.








Anong akala niya sa Bar nato? Tindahan sa kanto? Buang ay!








"Samahan mo ng isang Tequila Patron Silver. 4,500 diba? May hahamunin lang ako!" She chuckles. "Punta ka don sa pwesto namin." Turo niya sa isang malaking table na may maraming babae. "May hahamunin akong babae sa corner. Sofia nga pala ang pangalan ko." Ngumiti siya bago umalis at nagbayad kasabay ng kuha niya sa mga inorder niya.








"Ang babaeng 'yon... sa Capitol siya nag aaral." Napalingon ako sa bagong dating na si Sylon. Skyler's sister. "Kaklase ko siya sa ABM 11." Dugtong niya.








"What are you doing here?" I asked.








"Kasama ko si Kuya, Qui. Nasa labas siya, kausap s— ay may kumausap sa kanya. Pupunta din 'yon dito. Sumama lang ako sa kanya. Ngayon nga lang ako nakapunta sa ganito, eh," mahaba niyang sabi at dahan dahan naman akong tumango. "Nakikinig ka ba sa mga cover music ng Chrysanthemum?" She asked and I nodded again. "Eh, sa Karison Knights? Si Emman Gealach Echavez from Liceo ang Lead Vocalist nila. Anak siya ni Governor Reshua Echavez at ng isang Professor sa Liceo."








"Sa tingin mo, alin doon ang pinakamaganda? Ang dami mo kasing alam!" I smirked.








"Ang hirap pumili. Hindi naman yan sa dami ng alam, nasa dami yang narinig. Ang lead vocalist kasi ng Chrysanthemum at si Emman ay parehong gwapo. They have the same eyes also. Depende sa mapakikinggan ko." Ngumiti siya. "Yung last gig ng Chrysanthemum, nandoon ako. I saw Sevaschyan there. Nandoon din si Tori and I wonder, bakit hindi sila magkasama ni Drake? Si Sevaschyan, si Natasya at si Xandra kasi ang kasama niya."








Sasagot na sana ako kay Sylon nang bigla namang nagsigawan sa saya ang mga babae sa malaking table. Kasali na doon yong babaeng nagpakilalang Sofia sa akin.








Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)Where stories live. Discover now