56

10 3 0
                                    

"Napakabastos mo talaga! You dare me to go home, eh, alam mong gusto ko pang sumayaw dun!" inis kong sabi kay Drake habang nagmamaneho siya.



Ayaw ko sanang gawin ang dare niya pero pinilit pa ako nga mga walang hiya kong pinsan. At eto si Drake ngayon.. nagmamaneho habang hindi nawawala ang ngisi.



Napalunok ako habang tinitignan siya. Walang kupas, mas lalo pang gumwapo.



"Tinutulungan ka pala ni Toria?" Hindi ko alam kung bakit nailabas ko 'yon sa bibig ko pero huli na, narinig na niya. "Sabi ni Mark, lagi niya daw kayong nakikita ni Toria na magkasama.."



"Uh-mmm.." he smiled.



"Ayos lang, bagay naman kayo." I said in a sarcastic laugh.



"Mas bagay kami nung gusto kong babae sa med school."



"Sino? Si Toria ba? Magiging Doctor na siya, eh..." nanghihinayang kong sabi. "Hindi siya nahihirapan, hindi gaya ko na hirap na hirap akong mag aral, ang dami kong priorities kasi inuuna ko 'yung kailangan kong unahin... kaya siya siguro ang ibig mong sabihin.."



"Ikaw ang ibig sabihin ng lahat sa akin, Putol." Sagot niya pero nasa harap ang tingin.



Malungkot akong napangiti sa sarili ko. Paano ko nagagawang saktan ang lalaking 'yon? Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung tama ba ang ginawa ko noon? Sa tingin ko naman, tama naman talaga 'yon. Naging engineer siya, eh. Hindi para sa amin 'yong panahon na 'yon. He suffered a lot because of his sister tapos dumagdag pa ako.



"Na touch ako ng nagpapapansin ka.." biglang sabi niya habang nakatingin kami sa city lights dito sa overlooking area ng High Ridge. Dito niya ako dinala.



"Talaga?" Maligayang tanong ko at umupo sa damo.



Ngumiti siya at umupo sa tabi ko. "Hmm.. I know you're a limited edition."



"Akala ko.. naiinis ka sa mga papansin? Papansin ako sa'yo noon pa man.. naiinis ka dapat sa'kin.."



"Naiinis nga," sang-ayon niya. "Pero yung inis ko sa'yo..  iba, eh.."



Bumuntong hininga ako ng malalim. "Galit ka pa din ba sa'kin?"



"Nagmakaawa kang pakawalan kita.. na lumayo ako sa'yo.." lumanghap siya ng hangin. "When you didn't show up, when you didn't answer my calls, texts and chats, I felt like I was holding on to you so much... while you wanted to get rid of me.."

Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)Where stories live. Discover now