"Anong sasalihin mo sa Intramurals?" Lumingon ako kay Jhyrel dahil sa tanong niya. "Ba't ang lungkot ng mga mata mo?"
"May Intramurals?" I asked him at sinadya ko talagang hindi sagutin ang pangalawang tanong niya bukod sa wala naman akong maisasagot sa tanong na 'yon.
"Meron." He answered me. "Pagkatapos kong bumili ng Thesaurus at USB Flash Drive, Kakain tayo sa Mang Inasal."
Namimili siya ngayon ng Thesaurus dito sa Gaisano Mall dahil kailangan niya daw at bibili pa siya ng USB dahil may gagamitan daw siya. Supplies niya daw maybe it's a part of his strand.
"Hindi ko po pwedeng gastusin ang pera ko. May pinag-iipunan ako." Walang gana kong sagot sa kanya habang tumitingin din ako ng mga dictionary dito sa pwesto namin
.
Sinusundan ko lang naman siya. Wala din akong ginagawa kaya sa oras nato ay lunch break namin kaya sinamahan ko nalang siya. At isa pa, iniiwasan ko din si Raiden at Jayjorz. Hindi ko sila kayang makita pa. Even though I feel sorry for Skie, wala naman siyang kasalanan pero kapag nagagalit ako ay isa sa kanila ang laging nadadamay katulad kahapon na si Skyler ang may kasalanan pero pati si Skiedyl ay napagbuntungan ko ng galit.
"Ito ang first time na manglilibre ako, Qui. Wag mo lang sasabihin kay Natasya lalo na kay Xandra." Mahina akong natawa sa sinabi niya.
Si Jhyrel kasi ang klase ng tao at klase ng pinsan ko na sobrang damot pero siya pa itong sobrang palahingi. Kapag may kinakain siya, pili lang ang binibigyan niya. Kapag nakita niyang may pera ka, magmamakaawa siyang ilibre mo siya.
"Pagkatapos mo akong ilibre, ano ang kondisyon? Sasabihin mo na namang bayad ka na sa utang mo sa'kin?" Mataray kong usal sa kanya na ikinatawa naman niya.
"Magkano ba ang utang ko sa'yo? Diba kapag mag kaibigan, hindi na nagbabayad ng utang? Hindi na dapat ako magbabayad. Anong klase kang pinsan?"
"350 pesos ang utang mo sa'kin, Jhyrel Kester. Wala pang interest 'yon. Mag a-apat na taon na hindi mo pa nababayaran. Sobrang laki nun para sa'kin dahil pinag-ipunan ko 'yon tapos pinautang ko sa'yo para di ka mapagalitan at masapak ni Inspector dahil sinangla mo sa adik yung mamahaling kwentas na regalo sayo ni Tita Mommy Risa. Suwail kang anak!" Mahabang litanya kong sambit sa kanya.
Napatigil ako at naalala ko na ang sinabi ko sa kanya ay ang bagay na nasasaktan ako dahil 'yon din ang sinabi ni Papa. Biro lang naman ang sa'kin at sana ganyan nalang ang reaksyon ko sa kanya nang sabihan ako ni Papa ng ganun.
"Utang ko sa'yo ang buhay ko, Shaquira." Tumatawang sabi niya sakin. "Eh, si Jaskim? Ilan ang utang niya sa'yo? Silang lahat?"
YOU ARE READING
Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)
RomanceMOON ONSE #1 The story of a young senior high students in their teenage days spending their youth. They draw a process of bulding a dream and friendship and wander about in search of love while maturing and realizing their youth dreams under the enc...