47

5 1 0
                                    

Umalis ako ng bahay kahit umuulan. Lumabas pa rin ako at sa huling pagkakataon kahit basang basa ako ay tinignan ko ulit ang bahay namin. Diyan ako lumaki. Ang bahay na 'yan ang saksi sa lahat ng pinagdaanan ko. Ang bahay na 'yan ang naging tahanan ko buong buhay ko pero ang bahay din na 'yan ang saksi na hindi ako naging mabuting anak.





Dahan dahan akong naglakad papalayo. Kahit sa labas ay may mga tao pa din. Mga kapitbahay namin. Tinawag nila ako pero ni isa wala akong pinansin. Hinayaan ko lang sila sa mga sasabihin nila total pagod na din naman ako at pabalik balik lang ang mga naririnig ko.



 

Pagkarating ko sa kanto ay nagpasilong ako sandali. Nanginginig ang kamay kong kinuha ang cellphone ko sa maleta at mabuti nalang ay hindi ito basa. Hindi ko alam kung bakit pero pangalan kaagad ni Kuya Pole ang una kong tinawagan. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko pero gusto ko lang marinig ang boses niya.



 

"Kuya... kailangan kita.." I cried.



 

Walang sumagot. Hindi din out of reach. Nagri-ring lang siya na parang ayaw sagutin. Ilang beses kong inulit 'yon hanggang sa umabot na ng 20 missed calls pero wala pa ding sumagot kaya tumigil na din ako. Alam ko namang hindi 'yon sasagutin ni Kuya. Galit siya sa akin. Galit sila sa'kin. Hindi lang dahil kay Drake kundi dahil din kina Skie at Raiden. Hindi na nila ako kaibigan dahil sa tingin nila, ako lang ang sisira ng pangarap nila.


 

Kuya Pole was the one who made the Moon rule number seven that when the moon needs you there, you need to be there for the moon but he didn't answered my call when I needed him because he also turned his back on me as a friend and as her cousin.


 

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Sinusundan ko lang kung saan aabot ang mga paa ko. Umiiyak ako habang naglalakad at hindi ko nalang namamalayan na nasa harap na pala ako ng bahay ni Jhyrel. Aalis na sana ako dahil ayaw kong maka disturbo, alam ko namang sa presensya palang ay ayaw na ni Jhyrel sa akin. Tatalikod na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan nila at bumungad sa akin si Tita Mommy Risa. Gulat siya nang makita ako kaya nabitawan niya ang hawak niyang palanggana na walang laman at kaagad akong niyakap at inalalayan papasok sa bahay nila.



 

Pinaupo niya ako at kumuha naman siya ng tuwalya at kaagad akong pinunasan. Hindi ko alam pero umiyak na naman ako nang makitang tumulo ang luha ni Tita Mommy at nang mapansin niya 'yon ay ngumiti siya sa akin.


 

"Anong sabi sa'yo ng mga magulang mo?" She asked. "Ayaw nila sa bata?" Malungkot niya ulit na tanong. "Dito lang tayo sa bahay. Ako mag-aalaga."


 

Napahikbi ako. Alam ni Mommy. Hindi niya ako hinusgahan. Kung alam ni Tita Mommy, alam din ba ni Jhyrel? Paano kung sabihin niya kina Natasya? Mas lalo lang nila akong kamumuhian. Hindi ko na alam anong gagawin ko. Kapag nalaman nila, makakarating kay Drake. Makakarating kay Drake kaya mas lalo lang akong mahihirapan na ilayo ito kay Drake.


 

"Kukuha muna kita ng tubig," ani ni Mommy.


Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)Where stories live. Discover now