TRIGGER WARNING: Involving death body and real happened. YOU HAVE BEEN WARNED. SORRY.
"Bat hindi ka makaintindi? Bat lagi ka nalang walang sagot? Tinatanong kita, sumagot ka!" napabuntong hininga ako habang nakatingin kay Ma'am Lucien. "Just tell me kung bobo ka o hindi para hindi na ikaw ang lagi kong tinatanong. Lagi ka nalang walang sagot! Ba't ka pa nag STEM?" Dugtong pa niyang sigaw.
Kanina niya pa pinapagalitan ang kaklase naming sobrang ingay kapag walang guro pero tahimik pagdating sa recitation. I remember, her name is Bobita. Hindi ko lang alam kung apilyedo niya ba 'yon o pangalan. Nag aaral naman ako para may matutunan, hindi dahil nag aaral para i-memorize ang mga pangalan ng kaklase ko.
Tinignan ko ang kamay kong ngayon ay hawak hawak ni Jaskim nang tumayo ako pero binitawan niya din kaagad ng tinaasan ko siya ng kilay. Kaming mga moon onse ay nasa iisang klase ngayon. May same subject kasi kami kaya sobra akong ganado dahil kasama ko sila pero nawala lang ang gana ko nang pagalitan ni Ma'am Lucien si Bobita.
Hindi pa din tumatahimik si Ma'am at patuloy niya pa ding pinapagalitan si Bobita. Hindi ko nga lang makita yung mukha niya dahil nasa harap siya kaya hindi ko makita kung umiiyak ba siya o nag aalab na sa galit. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko dahil palagi nalang ganito sa tuwing klase na niya kaya tumayo na ako dahilan ng paglingon ng lahat ng kaklase ko sa akin pati na din si Ma'am Lucien.
"Yes, Ms. Putol?" Ma'am Lucien Primavera asked me.
"Pito kaming Putol dito, Ma'am." I heard Xandra whispered na palagi nalang tumatabi sa akin pero hindi ko na siya nilingon at mabuti nalang ay nakaligtas sa pandinig ni Ma'am ang sinabi niya.
"Many students are scared and nervous in public speaking. So don't judge the knowledge of those students who didn't raise their hands to speak or answer in front of class. Isa kang license teacher diba? Instead of judging, help them to improve and build their confidence." I seriously said with my heartbeats and confidence that make her mouth became 'O'.
Hindi ko alam kung bakit bigla nalang gumaan ang pakiramdam ko matapos kong sabihin 'yon. It's make Ma'am Lucien speechless and it makes me feel good insane. Napalingon ako sa likod upang tignan si Drake sa di ko malamang dahilan pero umiwas lang siya ng tingin sa akin nang napansin niyag tumingin ako sa kanya so that means na kanina pa pala siya nakatingin sa akin. Napangisi ako sa iniisip ko kung sakaling humanga siya sa akin dahil sa sinabi ko.
Uupo na sana ako ulit pero nakita kong bigla siyang tumayo at sinulyapan lang ako ng masamang tingin. Kahit kailan talaga ay hindi siya nagpapatalo sa akin. Palagi niya talaga akong sinasagad. I mean, palagi niya nalang sinasagad ang pasensya ko.
"I will be the one to answer your question, Ma'am. Don't pressure her." Pagiging sipsip ni Messiah Drake Golosino Alde. "Can you repeat the question, Ma'am?"
YOU ARE READING
Deep In A Heartbeats (Moon Onse #1)
RomanceMOON ONSE #1 The story of a young senior high students in their teenage days spending their youth. They draw a process of bulding a dream and friendship and wander about in search of love while maturing and realizing their youth dreams under the enc...