Kabanata 6

448 18 0
                                    

Suot ang European dress at side lace-up open toe na 5 inches stilettos. Kabado akong pumasok sa loob ng mansyon. Bumungad sa akin ang bulwagan na sobrang bukas sa lahat ng papasok sa bahay.

Tahimik ang paligid. Bumaling ako sa main door at tiningnan isa-isa ang dalawang guard na pumapasok habang buhat ang maletang dala ko. Huling pumasok ay si Abraham na siyang sumundo sa akin ngayon.

"Pumili ka na lang ng gusto mong kuwarto sa mga guest room pansamantala habang pinapaayos pa ang magiging silid mo. Dadalhin na nila ang maleta." Aniya.

Nauna siyang umakyat kaya sumunod ako sa kanya. Tinahak namin ang pasilyo kung saan ako dinala ni Levi. Tumigil si Abraham kaya tumigil din ako.

"Pumili ka na lang ng isang door." iminuwestra niya ang bawat pinto ng silid.

Para akong nasa isang hotel. Mahaba ang pasilyo at dikit-dikit ang silid kaya ang daming pintuan. Lumapit ako sa pinto kung saan ako dinala ni Levi noong nakaraan.

"Dito ang gusto ko." tinuro ko iyon.

Tumango siya at bumaling sa likod ko. Binuksan ni Pelita ang pinto kaya ipinasok na ng guard ang dalawa kong maleta. Medyo malapit lang iton sa hagdan kaya hindi na ako mahihirapang bumaba.

Pumasok ako kasunod ni Pelita at inikot ang buong silid. Maaliwalas ang  dating, napangiti ako nang nakitang hindi nawala ang terasa at ang tanawin ng dagat.

Cream na kulay, ang kisame naman ay purong puti at ang tanging disenyo ay ang ilaw na square at ang puting bilog sa gitna.

"Tingnan mong mabuti. Iba-iba ang kulay ng bawat silid dito. Sigurado ka bang ayos na sa'yo ito?" paninigurado ni Abraham.

Bumaling ako sa kanya at nakita siyang nakatayo sa hamba ng pinto, "Ayos na sa akin 'to. Salamat."

Ngumiti rin siya ng tipid. Hindi ko alam kung close ba kami ni Abraham noong bata. Hindi naman kasi nasabi sa papel.

Tanungin ko kaya si Cassandra?

Huminga ako ng malalim at nagpasalamat kay Pelita. Nang iniwan nila ay umupo ako sa dulo ng malambot na kama at tinitigan ang dalawang maleta. Mag-aayos pa ako ng gamit ko.

Tamad akong tumayo at inabot ang remote para mabuksan ang tv. Tulala lang ako roon hanggang sa may kumatok. Tamad kong nilapitan ang pinto at binuksan iyon. Nagulantang ako nang bumungad si Levi.

Bumaba ang tingin niya sa kabuuan ko at bahagyang tumigil sa suot na heels bago muling ibinalik ang tingin sa mata ko.

"Kumain na tayo. Hinahanap ka ni Tita Marisel." aniya.

Tumango ako, "Magpapalit lang ako ng damit."

Tumango siya, nanatiling nakatayo kaya hindi ko alam kung pagsasaraduhan ko ba o hahayaan ko na lang manood.

"Ah... sige." ngiti ko.

Tumango ulit siya bago tumalikod. Mabilis kong sinara ang pinto at pinatay ang palabas para makapagbihis na sa banyo. Pinalitan ko ng tsinelas na pambahay ang suot dahil masakit na sa paa.

Pagbaba at pagpuntang kusina ay nandoon na nga silang lahat. Anong oras na ba?

"Anak, dito ka." anyaya ni Don Juanito.

Tumango ako at naupo sa tabi nila ni Tita Marisel, "Good morning, po."

Nakipagbeso si Tita Emerald sa akin ganoon din si Tita Marisel. Ang iba ay ngumiti. Hinanap ng mata ko si Levi pero nasa medyong dulo siya, katabi ni Tita Grana na nasa kabisera.

"Mabuti na lang at pumayag kang dito na tumira. Pero, nakakalungkot dahil kami naman ang aalis. Hindi kasi pwedeng magsiksikan tayo dito." sambit bigla ni Tita Lora.

A Feather From The Sky (Hacienda de los Caballeros #2)Where stories live. Discover now