Kabanata 41

477 15 0
                                    

Pagdilat pa lang ay sinapo ko na ang ulo kong pumipintig-pintig pa sa sobrang sakit. Ito ang ayaw ko kapag nalalasing. Pagkatapos ng saya, impyerno naman kinabukasan.

Nagpagulong-gulong ako sa kama pero agad ding napabalikwas nang naalala ang huling nangyari. Inikot ko ang tingin sa hindi pamilyar na silid. Kulay puti ang lahat at kung may ibang kulay man, light brown lang iyon na bumagay din naman sa kuwarto.

Nasaan ako?

Sure akong naging mabuti akong babae kagabi at wala akong ibang nilapitan na lalaki para mapunta ngayon sa hindi ko kilalang silid!

Mahirap baliwalain ang masakit kong ulo pero mas mahirap baliwalain ang nangyayari sa akin ngayon.

Bumangon ako inda ang sakit ng ulo at sumilip sa kahit saang sulok ng silid. Kinakabahan ako. Pareho pa rin naman ang suot ko kahapon pero malay ko ba kung may ibang ginawa sa akin ang nagdala sa akin dito.

Nagdala?

Oh my!

Gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader dahil sa kahihiyan. Kapag nagpapakita sa alaala ko lahat ng sinabi kagabi kay Levi ay napapapikit na lang ako ng mariin.

Sinabi ko ba talaga 'yon? Paano ako haharap sa kanya ngayon? Bakit ba kasi ako naglasing?

Kinalma ko ang sarili ko at lumabas ng silid na parang alam ko ang pasikot-sikot dito. Madali lang din naman sundan dahil may pasilyo. Muntik na akong matumba nang natanaw si Levi sa sala.

Nasa condo niya ba ako? Inikot ko ang tingin sa buong detalye ng bahay at nakitang kagaya din ang kulay ng kanyang kuwarto.

Pagbalik ng tingin ko sa kanya ay nakatitig na siya sa akin. Napalunok ako at naglakad palapit sa kanya. Sinusundan niya ako ng tingin gamit ang seryoso niyang ekspresyon. Para akong may kasalanan sa kanya kung makatingin siya.

"Hindi ba masakit ang ulo mo?" bungad niya.

"Uuwi na ako. Saan ang daan palabas?"

Nagtaas siya ng kilay at bumaba ang tingin sa katawan ko. "Na ganyan ang suot? Alam mo ba ang mga ginawa mo kahapon?"

Kinagat ko ang labi ko, nanatiling nakatayo sa harap niya habang siya ay nakaupo at nakatingala sa akin.

"B-bakit? Ano ba ang ginawa ko kahapon?"

First option, magkunwari. Tutal ay lasing ako kagabi. Wala akong maalala.

"Ano ba ang ginawa mo kahapon?" balik-tanong niya at ngumisi. "Wala kang maalala?"

"Itatanong ko pa ba sa'yo kung naaalala ko?" may sense.

"Tatlong beses ka nagreklamo tungkol sa pagkamatay ng mga dinosaurs, ang sabi mo pagagalitan ka ni fairy godmother dahil sa suot mo, at sinabi mo pa na gagawin ka niyang kalabasa. Ilang beses mong inuulit-ulit ang salitang gago at hindi ko na rin mabilang kung ilang beses mo akong sinampal."

Nakangiwi na ako sa kalagitnaan ng pagsasalita niya. Naalala ko ang lahat ng iyon pero dahil lasing ako kagabi, hindi ko alam kung magaan lang ba iyong mga sampal ko o baka nahampas ko pa siya.

"Ang sakit ng panga ko dahil sa ginawa mo." dagdag niya.

"Levi, hindi ko naman 'yon nilakasan." agap ko.

Nagtaas siya ng kilay. "At sabi mo hindi mo naaalala."

Napakurap-kurap ako. "Hula ko lang."

Bumaba ang tingin niya sa kamay ko at kinuha iyon. Napaawang ang labi ko sa gulat pero hindi ko siya pinigilan. Hinaplos niya ang kamay ko ng ilang beses bago muling nag-angat ng tingin.

A Feather From The Sky (Hacienda de los Caballeros #2)Where stories live. Discover now