Kabanata 7

441 17 0
                                    

Tahimik akong nakaupo sa sofa habang nilalagay sa contacts ko ang mga mumero ng mga kakilala ko na kabisado ko pa. Nasa apat lang sila kaya nag-iisip ako kung kanino pa ang hindi ko nailalagay.

"Pauleen!" biglang nagpakita si Camila, "Bored ka ba?"

Bumuntong hininga ako. Umupo siya sa tabi ko kaya itinigil ko ang ginagawa at binalingan siya. Hindi naman siya nakatingin sa screen pero nakangisi siya sa akin.

"May naisip ako."

Sa sinabi niyang iyon ay nagpakita ang kakambal niyang si Jamila at naupo rin ito sa sofa na kaharap ng inuupuan namin ni Camila.

"Ano naman iyon?" baling ko kay Camila.

Lumapad ang ngisi niya. Nagsibabaan silang magpipinsan at sunod-sunod na naupo sa mga sofa. Kasama na roon si Cassandra na agad akong kinindatan.

Huling nagpakita si Levi na tamad na bumababa sa hagdan at naupo sa tabi ni Aaron. Nagtagal ang titig ko sa kanya pero hinawakan ni Camila ang kamay ko kaya sa kanya ako napatingin.

"Ano 'yon?" ulit kong tanong.

"Ano kaya kung tayo naman magpipinsan ang magbond? Palagi na lang mga parents natin ang nagkakaroon ng oras. Tayo naman ang magsaya." suhestiyon ni Camila.

Agad na nalukot ang mukha ng kambal niya, "Boring."

"Edi huwag kang sumama." inis na saad ni Camila.

"Nagsasaya habang nasa hospital si Lolo?" tanong ni Carles.

Nagtaas ng kilay si Camila, "Oh, bakit? Maayos naman na siya, ah. Tsaka, ngayong araw lang naman. Porke't nasa hospital si Lolo kailangan ba umiyak tayo maghapon?"

"Wala akong sinabi." mariing sabi ni Carles, "Nagtanong lang ako."

"Game ako riyan." nag-angat ng kamay si Cassandra, "Exciting. Kayo?"

Tumango si Aaron, "Walang problema."

"Ganoon din ako." tamad na ani ni Abraham na abala sa phone.

Ngumisi si Camila at hinawakan ang kamay ko, "Papayag ka na ba, Pauleen? Ngayon lang ulit tayo magkakasiyahan kapag pumayag ka kaya sige na."

Binalingan ko si Levi kaya sinundan ni Camila ng tingin ang mata ko. Seryosong nakatingin si Levi sa aming dalawa.

"Ikaw, Levi? Sasama ka ba?" pagtatanong ni Camila.

"May pupuntahan ako." simpleng ani niya at bumaling sa akin, "Kayo na lang muna. Isama niyo si Pauleen."

"Kasama ka, Pauleen, 'di ba?" kinulit ako ni Camila pero hindi matanggal ang tingin ko kay Levi lalo na noong tumayo siya.

"Saan ka pupunta?" nahuli siya ni Aaron.

"Sa labas lang."

"Kapag hindi tayo nagkita sa labas, anong gagawin ko sa'yo?"

Umirap si Levi. "May susunduin ako?"

"Pauleen, please?" pamimilit ni Camila at mas inilapit pa ang ulo sa akin kaya umiiwas ako para makita si Levi.

"Sino? Babae ba?"

Natigilan si Camila sa pangungulit dahil may nakakuha ng atensyon niya. Iyon ay ang tanong ni Cassandra kay Levi.

Walang sagot si Levi. Nagtaas lang siya ng kilay.

"Babae nga." ngumisi si Aaron, "Si Nathalia pa rin ba 'yan?"

"Ano?" sigaw ni Cassandra, "Hanggang ngayon, Levi? You're unbelievable! Gusto mo pa rin ang babaeng iyon? Eh, may boyfriend na nga."

"Hindi ko siya gusto. Ano bang sinasabi mo?" agap ni Levi, "Pero ihahatid ko siya."

A Feather From The Sky (Hacienda de los Caballeros #2)Where stories live. Discover now