Hindi ako mapakali. Parang may hindi tama. Madalas naman na abala si Levi pero kapag ganitong tahimik siya, parang may kakaiba akong nararamdaman. Alam ko ito dahil nangyari na rin ang ganito sa amin noon.
Bumuntong hininga ako at kinuha ang bag para makalabas na. Pupunta ako ng cafe ngayon para magtrabaho. Baka rin nandoon siya. Kung wala, pupunta na lang ako sa bahay niya.
Ngumisi ako sa naisip.
Sinisimulan ko na ang pag-iimpake. Naghahanap lang ako ng tamang tiyempo. Palagi kasing busy si Lucian kaya hindi ako nakakapagpaalam sa kanya. Gusto kong mag-usap kami ng masinsinan tungkol sa ganitong bagay.
Nasanay akong siya palagi ang napagsasabihan. Pakiramdam ko hindi kompleto kapag hindi ko sinabi sa kanya.
Bumukas ang pinto at bumungad si Lucian. Agad na bumagsak ang tingin niya sa hawak kong bag.
"Pupunta ka ng cafe?" tanong niya.
Tumango ako. "Baka ngayon na namin ilabas 'yong bagong gawa. Gusto mong sumama? Tikman mo rin ang cake!"
Tipid lang siyang tumango. "Hintayin mo ako. Kukunin ko lang ang coat ko."
Hinintay ko siya sa labas. Ibinulsa ko ang susi ko dahil kasama ko naman siya. Paglabas ni Lucian ay sumabay na ako sa kotse niya. Tahimik siya sa byahe kaya panay ako tingin sa kanya.
Bumuntong hininga siya kaya naagaw niya ulit ang atensyon ko. Pagdating ay ipinarada niya ang sasakyan sa gilid. Lalabas na ako nang kinuha niya ang aking kamay at hinawakan iyon ng mahigpit.
"Amara..." marahang aniya.
"Bakit?"
Tahimik akong nakatingin at naghihintay ng sasabihin niya. Tulala naman siya sa kamay namin. Malalim ang iniisip.
"Gusto kong sabihin sa'yo na sumama na kay Levi. Naisip ko na hindi dapat kita pakawalan. Hindi mabuti sa'yo na mag-isa ka lang."
"Pero napag-usapan na natin ito. Pati ni Levi. Pumayag siyang maghanap ako-"
"Papayagan lang kitang umalis sa bahay ko kung sa bahay ka ni Levi titira."
Napakurap ako at nagtatakang tumitig sa kanya. Wala namang kaso sa akin kung sa bahay ni Levi, kaya lang ay nakakapagtaka dahil pumayag na siya noong una.
Tumango ako. "Sasabihan ko si Levi kung nasa cafe siya ngayon."
Tumango rin si Lucian. Binalingan ko ang daliri niyang tinatapik-tapik ang manibela. Nakarating kami sa cafe, halata kaagad ang pagiging busy nila Edelyn sa loob.
Binati nila ako at binati rin nila si Lucian. Pinaupo ko si Lucian sa harap kung saan madali niyang malapitan ang counter. Tumingin ako sa labas at baka sakaling nakaparada ang sasakyan ni Levi pero wala. Huminga ako ng malalim at binalingan ang patay na cellphone.
"Nakahanda na ba ang lahat?" salubong ko kay Gracia.
"Ay, Manager!" agad niyang kinuha ang maliit na cake, parang pang free taste lang kaliit.
Agad na lumapit sila Edelyn sa amin.
"Tikman niyo. Noong tinikman ni Edelyn sabi niya kasing lasa raw ng gawa niyo pero kailangan kayo mismo ang tumikim para maniwala ako!" saad ni Gracia na ikinatawa ko.
Pinulot ko ang tinidor. "Sige, titikman ko."
Tumikhim si Gracia at hindi na yata mapakali. Kumuha ako ng maliit lang at isinubo iyon. Nginuya ko itong mabuti at nang kumalat ang lasa sa bibig ko ay napatingin ako kay Gracia.
"M-manager..." bigkas ni Edelyn.
Lumunok si Gracia at naging kabado na sa pagiging tahimik ko. Ngumiti ako ng tipid pero seryoso pa rin ang itsura. Lumapit si Lucian at kinuha ang hawak kong tinidor.
YOU ARE READING
A Feather From The Sky (Hacienda de los Caballeros #2)
Любовные романыHacienda de los Caballeros Series #2 Started: 03/02/22 Ended: