Kabanata 28

455 21 4
                                    

"Salamat." ngumiti ako kay Carles pagkatapos kong tanggapin ang isang baso ng tubig.

Kanina, kumatok siya sa pintuan ko. Balak ko siyang pagbukas kaya lang ay sa mismong pagbangon ay umikot ang paligid ko kaya agad kong tinakbo ang banyo.

Nabuksan niya naman ang pinto kaya nandito siya ngayon dala ang tubig ko. Binasa ko ang mukha ko bago tumitig sa salamin na nasa harap namin. Kinagat ko ng mariin ang walang kulay kong labi bago inis na inabot ang towel na nakasabit sa gilid para punasan ang mukha.

"Ayos ka lang ba? Namumutla ka." pansin ko ang totoong pag-aalala ni Carles.

"Ayos lang ako. Bakit ka nga pala nandito?" naglakad na ako palabas ng banyo kaya sumunod siya.

"Pauleen," tawag niya.

"Hmm?" sabi ko habang lumalapit sa vanity mirror at nagpulbo.

Kailangan kong lagyan ng kahit ano ang mukha ko para hindi ako magmukhang patay. Kompleto ang gamit sa kwartong ito pero... pinulot ko ang korean liptint at naglagay ng kaunti sa labi ko.

"Dumating na ang DNA result."

Napatigil ang kamay ko. Napatingin ako kay Carles sa repleksyon niya sa salamin. Nakatingin siya sa akin.

"Ninety-nine percent... positive." ngumiti siya ng tipid. "Apo ka nga ni lolo."

May kirot akong naramdaman pero ipinagsawalang-bahala ko iyon. Hindi ko nga lang mapigilan ang bahagyang panunubig ng mga mata. Ngumiti rin ako at tiningnan ulit si Carles na nakatingin din sa akin sa repleksyon.

Naalala ko pang sinabi ni Mayor na hindi niya ako pinagdududahan kaya may DNA result. Ginawa niya ito dahil iniisip nilang ako ang nagdududa. Na tama naman. 

"Ganoon ba." tipid kong sinabi at nagpatuloy sa ginagawa.

"Gusto kong humingi ng tawad dahil pinagdudahan kita. Naniwala ako dati dahil may pekeng DNA test si Cassandra. Pero ngayon, hindi pala 'yon peke."

"Ayos lang, Carles. Ginawa mo iyon para sa pamilya mo. Kahit ako naman. Kapag nahuli kong may nanloloko sa amin, gagawin ko rin ang ginawa mo. Magagalit din ako."

Yumuko siya at bumuntong hininga. "Tinatawag ka ni Lolo. Samahan mo raw kami kumain."

Tumango ako isang beses at nagsuklay na. Inilagay ko ang buhok ko sa gilid.

"Hindi kasama si Levi." dagdag niya bigla.

Nagkibit-balikat ako at hinarap siya. Sabay na kaming lumabas ng kuwarto para makababa sa unang palapag. Ganoon lumipas ang araw ko. Wala siya, kapag bumibisita naman siya kay Lolo, hindi niya ako halos tinatapunan ng tingin.

At ayos lang 'yon sa akin. Pinapalipas ko ang sakit at iniisip na lang na iyon ang tama. Tama itong ginagawa ko.

Ayaw ko siyang kontrolin. Nasabi kong magpakasal siya dahil sa damdamin ko pero ang totoo, nabigla ako sa nasabi. Hindi ko na nagawang bawiin dahil sa huling sinabi niya noong gabing iyon.

Maayos na kami ni Carles. Pero ayaw man aminin ni Mayor, alam kong may cold war sa pagitan ng mga anak niya.  Si Tita Emerald ay minsan na lang bumisita dito at kakaiba ang tingin sa akin.

Ang Mama at Papa ni Levi ay nagpuntang ibang bansa pero kapansin-pansin din ang pagiging mailap nila kay Mayor.

"Here, anak. Paborito mo 'yan." nakangiting saad ni Mama at inilapag sa lamesa ang chicken wings.

Dinner na at kanina pa kumakalam ang tiyan ko. "Maraming salamat, po."

Ngumiti siya ng tipid at naging malambot ang titig sa akin. Pagkaupo ni Papa ay tinapik niya ang silya sa tabi niya habang nakatingin kay Mama.

A Feather From The Sky (Hacienda de los Caballeros #2)Where stories live. Discover now