Kabanata 49

258 12 0
                                    

"Ang weird niya! Hindi ko man lang makausap. Palagi rin siyang wala at lagi ring tulala kapag nakikita ko." pagkatapos ko iyong sabihin kay Lucian ay ibinaba ko na ang tawag.

Nagpapatuloy si Levi sa pag-alis na parang sobra-sobrang busy niya. May oras naman siya sa akin at hindi iyon nagkukulang kaya kahit na gusto kong magtanong, inuunahan ako ng takot.

Lucian:

Hayaan mo muna siya. Maraming inaalala si Levi sa ngayon, Amara. Bigyan mo siya ng  kaunting oras.

Binibigyan ko siya ng oras. Iyon ang dahilan kaya umabot ng ilang linggo bago ako naging ganito.

Bumuntong hininga ako at ibinulsa na lang ang cellphone. Nakaligo na ako at nakapag-ayos. Balak kong pumasok ngayon kaya maaga akong nag-ayos.

Madaling araw noong umalis si Levi at ang sabi niya may kikitain muna siyang lalaki bago papasok sa trabaho.

Sino naman kayang lalaki?

Balak kong sundan si Levi pero nabasa ko itong mensahe ni Lucian. Isa pa, nakakatakot kayang sundan siya mag-isa!

"Good morning, Manager!" napuno ng bati ang cafe pagtulak ko pa lang ng pintuan.

Ngumiti ako at binati sila pabalik. Diretso ako sa opisina. Mamaya lalabas ako para tumulong sa ginagawa nila. Sa ngayon bilang pa lang ang mga customer.

Nasa oras ang pagpapadala ni Levi ng mensahe. Sabi niya ay nasa trabaho siya. Ganoon din ang sinabi ko. Pagpatak ng alas dose, tumunog ang phone ko para sa tawag niya.

"Nasa cafe ka pa?" rinig ko ang marahang tawa ng mga lalaki sa kabilang linya.

Nasa trabaho nga yata siya. Nakagat ko ang labi ko. Mukhang maling oras ang pagtawag ko sa kanya. Pero kung busy siya, hindi niya ako sasagutin.

"Nasa trabaho ka pa?" tanong niya.

Natigilan ako at napagtantong pareho kami ng tanong.

"Oo, mamaya pa ako makakauwi. Anong oras ka matatapos diyan?" tanong niya ulit.

Sinipat ko ang wristwatch ko. "Siguro lalabas ako four ng hapon."

"Okay..."

Okay? Kinagat ko ng mariin ang labi ko.

Kung hindi ako ang magbubukas ng napag-usapan namin noong lasing siya, hindi talaga kami babalik sa dati. Kailangan naming pag-usapan ang ano mang tungkol sa aming dalawa para maayos na ito.

Saan kaya ako magsisimula? Paano ko sisimulan?

Nandito si Levi alas tres pa lang ng hapon. Kinausap siya nina Edelyn. Unti-unti kong naipapaliwanag sa kanila ang tungkol sa amin ni Lucian at Levi. May ibang naguguluhan, may iba namang hindi makapaniwala.

"Maaga ka ngayon." inilapag ko sa harap niya ang chocolate cake na ginawa ko at ang caramel macchiato.

Hindi niya iyon ginalaw. "Sinabi kong susunduin kita ngayon. Iwan mo na lang ang kotse mo, sa kotse ko ikaw sasabay."

Tumango ako at itinulak ang platito ng cake. "Kainin mo na. Gawa ko 'yan."

Ngumisi ako. Tipid siyang ngumiti at inangat ang tinidot. Kinagat ko ang labi ko at inabangan ang reaksyon niya. Nang isubo ang kapirasong cake ay wala man lang siyang reaksyon.

"Anong lasa? Masarap ba?"

"Bumagay ang tamis."

Kailangan ko pang magtanong para magsalita siya.

Unti-unting napawi ang ngiti ko habang nakatingin sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin gaya ng madalas niyang ginagawa. Huminga ako ng malalim at umatras para makasandal sa upuan.

A Feather From The Sky (Hacienda de los Caballeros #2)Where stories live. Discover now