Kabanata 24

458 21 3
                                    

"Hindi ako kumain kanina kaya tumingin tayo ng magandang restaurant?" aniya at bahagyang bumaling sa akin.

Mula kahapon, hindi na siya mapakali. Kahit ngayon nakikita kong kinakabahan siya. Gusto kong matanong. Nakakapagtaka na ganito siya kalito ngayon.

"Bakit hindi ka kumain?" pagtataka ko.

Tinigil niya ang kotse sa isang restauant at lumapit sa akin para kalasin ang seatbelt ko. "Maaga akong pumunta sa farm kanina. Madaling araw pa."

"Kaya ka mukhang pagod."

Ngumisi siya at binigyan ako ng isang mababang halik sa aking noo. Napapikit ako sa lambot nito. Ilang sandali lang ay lumayo na siya at tinaggal ang seatbelt.

"Labas na tayo." aniya.

Bumuntong hininga ako at lumabas na. Pagpasok naming dalawa ay bumungad sa amin ang isang waitress na maganda ang ngiti. Iginiya niya kami sa dapat naming lamesa.

"Ayos lang ba sa mansyon?"

Pagkatapos naming kumain ay nagmaneho lang siya kung saan. Nagpaalam ako kay Mama na may kikitain sa bayan. Sana lang at hindi niya ako mabuko sa ginagawa ko.

Wala naman akong balak na itago si Levi. Hindi lang pwede ngayon na magulo ang sitwasyon namin.

Tumango siya sa tanong ko. "Bumalik na si Autumn sa Manila. Siya lang at susunod na lang daw si Aaron."

"Bakit si Autumn lang? Kasama niya si Nathalia?"

"Apat na buwan na ang tiyan niya. Mas maganda nga kung mananatili siya dito sa probinsya pero..." natigilan siya at tumikhim. "Pinauna na siya ni Aaron sa Manila para doon na makapagpahinga."

"Hindi ba siya makakapagpahinga dito sa Alibaya?"

Tumingin siya sa akin. Hindi nga lang nagtatagal dahil nagmamaneho siya. Kumunot ang noo ko pero sa huli ay umiling na lang.

Buntis nga pala si Autumn. Hindi halata ang tiyan niya kahit apat na buwan na pero siguro mabilis na iyong lalaki kapag nasa lima o anim na buwan na.

"Sayang, gusto ko pa naman siyang makita na dinadala ang pangalawang anak nila ni Aaron."

"Pwede tayong bumisita. Dadalhin kita sa Manila."

Agaran ang pag-iling ko sa sinabi niya. Ngumisi siya at ipinatong ang kanang kamay sa aking hita. Tamad siyang nagmaneho, paminsan-minsan ang haplos sa balat ko na nagbibigay ng kakaibang sensasyon sa akin.

Kailan pa ako naging ganito sa lalaki?

"Uuwi rin naman si Autumn dito sa Alibaya. Depende kung kailan." dagdag niya.

Itinigil niya ang kotse sa tabi. Saglit na nagpakita sa aking alaala ang nangyari sa amin noong nakaraan. Tumikhim ako at pasimpleng ginalaw ang hita para alisin niya ang kamay niya doon pero hindi niya ginawa.

"Eh, si Nathalia?" baling ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya at nagtataka akong nilingon. "Bakit?"

"Hindi ka ba nalungkot na umalis na siya?"

"Tss," umiling siya. "Huwag mo sabihing nagseselos ka?"

Kinagat ko ang labi ko. Ayaw ko na siya. Hindi na lang ako magtatanong sa kanya tungkol kay Nathalia.

"Magseselos lang ako kung sasabihin mong nalungkot ka sa pag-alis niya." mahina kong sinabi na narinig niya pala.

Umangat ang kamay niya na nakapatong sa aking hita para hilahin ang kamay ko. Hindi naman malakas, tama lang para mapalingon ako sa kanya.

A Feather From The Sky (Hacienda de los Caballeros #2)Where stories live. Discover now