Kabanata 35

522 15 4
                                    

Nagulat ako nang tumawag ang guard ng babaeng katulong sa mansyon pagkatapos niyang ibaba ang tawag. Nag-usap silang dalawa kaya sumakay na lang ako sa kotse ko.

Nagulat ako nang pumasok ang babae sa driver seat at tumingin sa akin. "Ako ang napag-utusan na maghatid sa'yo, Ma'am."

Kinagat ko ang labi ko at tumango. "Maraming salamat."

"Sesil nga po pala." pagpapakilala niya. "Punta na po tayo sa bahay ni Sir Lucian."

Tumango ako at nilabas ang phone para may pagkaabalahan sa byahe. Gusto kong buksan ang stereo pero nahihiya ako sa babae. Mabuti sana kung si Lucian ang kasama ko sa byahe.

Kalahating oras ang byahe kaya talagang malayo pala ang bahay ng isang iyon. Abo ang kulay ng dalawang palapag na bahay at may kaunting haplos ng puti sa gilid-gilid.

Pagpasok doon ay maraming sinabi sa akin ang babae na tinatanguan ko na lang. Nagpaalam siya kaagad dahil kailangan daw siya sa mansyon.

Napalingon ako nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Lucian na humahangos. Natawa ako sa itsura niya. Natulos kasi siya sa kinatatayuan, magulo pa ang buhok, at gulat na nakatitig sa akin.

"Surprise?" tumawa ako ng marahan.

Bumuntong hininga siya at umiling-iling habang naglalakad palapit sa akin. Yumuko siya para abutin ako. Hinayaan ko siyang yakapin ako ng mahigpit at halikan sa pisngi.

"Bakit ka sumunod?" bulong niya.

"Hindi mo ako tinatawagan. Nag-aalala ako sa'yo kasi hindi ka naman ganoon. Alam kong busy ka kaya sumunod na lang ako, kaysa pauwiin kita. Alam mo naman na hindi ako mapakali kapag wala ka sa tabi ko, 'di ba?"

Humigpit ang yakap niya sa akin. Sinilip ko ang itsura niya kaya humiwalay ako ng kaunti. Nagkunwari siyang iritado pero nagpipigil naman ng ngiti. Pabiro ko siyang inirapan bago itinulak.

"Nagugutom ka ba? Nagluto na ako ng pagkain dahil nagutom ako. Ang bilis mong nakarating, ah." tumayo ako at pumasok sa kusina niya.

"Gutom ako kanina pa. Nagmadali na ako dahil alam kong nandito ka. Pagod ka ba sa byahe?" tumayo rin siya.

Umiling ako at ngumisi.

Sinundan niya ako hanggang dito. Naghanda ako ng gagamitin namin. Tinulungan niya naman ako sa ulam at sabay na kaming kumain. Talagang gutom siya dahil nakakalahati pa lang ako ay iniinom niya na ang juice niya.

"Ako na ang maghuhugas. Magpahinga ka na." tumayo siya at inayos ang pinagkainan.

Tumulong ako kaya malamig niya akong sinipat. Tinawanan ko lang siya at hindi nagpatinag. Nakatayo na lang ako sa gilid habang naghuhugas siya ng plato. Halatang pagod, kawawa naman.

Inaantok din ako pero kaya ko pa naman samantalang siya ay namumungay na ang mga mata.

"Dala mo ba ang gamot mo?" tanong niya habang pinupunasan ang kamay.

Tumango ako at kinuha iyon. Pagkatapos gawin ang dapat na gawin sa kusina, sabay na kaming dalawa na pumasok sa kwarto niya.

Nag-shower muna siya habang ako ay nagpalit na lang ng pantulog dahil kakaligo ko lang pagdating ko sa bahay niya. Pagkatuyo ng buhok ay nahiga na siya sa tabi ko.

Magkaharap kaming dalawa at tinititigan ang isa't-isa. Namumungay na ang mga mata niya. Kitang isang tapik lang sa balikat niya at makakatulog na siya pero hindi siya pumikit. Nakatitig lang.

"Matulog ka na." ani ko.

"Hindi ka ba nahihirapan dito?" seryoso niyang tanong.

Umiling ako dahil totoo naman. "Hindi. Nandito ka kaya wala dapat akong ikatakot."

A Feather From The Sky (Hacienda de los Caballeros #2)Where stories live. Discover now