Kabanata 40

524 25 2
                                    

Humalik ako sa pisngi ni Lucian bago maingat na bumangon sa kama. Kanina pa ako paikot-ikot pero hindi ako makatulog. Naunahan niya pa ako kahit mas pagod ako sa kanya dahil hindi siya pumasok kanina.

Sinipat ko ang oras at napabuntong-hininga. Alas tres ng madaling araw.

Dahil imposible na na makatulog ako ngayon, bumangon na lang ako at lumabas. Balak kong magluto na ng almusal dahil may pasok si Lucian mamayang tanghali. Ako naman ang hindi muna papasok sa cafe.

Nagluto lang ako ng breakfast na paborito naming kainin. Eggs and bacon, waffles at oatmeal. Kinuha ko ang strawberry jam para sa akin at peanut butter naman kay Lucian.

Mamaya ko na siya ipagtitimpla ng kape kapag gising na siya para hindi siya antukin na naman sa trabaho. Paborito pa naman niya ang matulog.

Nakapangalumbaba ako sa counter at marahan iyon tinatapik gamit ang hintuturo ko. Nabaling lang ang tingin ko sa phone noong tumunog iyon.

Si Levi.

Paano kaya nito nalaman ang number ko? Huwag niya akong sabihan na nakuha niya sa business card dahil personal number ko ito. Si Lucian at iilang malapit na kaibigan lang ang nakakaalam ng personal number ko.

Hindi kaya si Lucian? Medyo magkaaway ang dalawang ito. Halos magsuntukan na nga sila noong una kong nakita si Levi.

Congressman Levi Hernaez:

Good morning.

Ang sweet mo naman, Congressman. Umismid ako at walang ganang nagreply ng good morning din. Padabog kong ibinagsak ang cellphone ko at sinubsob ang mukha.

Gising siya ngayon? Hindi rin makatulog?

Pinulot ko ang cellphone ko at tinitigan iyon. Hindi pa siya nagrereply.

Ako:

Madaling araw na. Hindi ka ba makatulog?

Congressman Levi Hernaez:

At mukhang ikaw din.

Ngumiwi ako.

Ako:

Kakagising ko lang. Mahimbing ang naging tulog ko, Congressman. Katabi ko kasi si Lucian.

Ngumisi ako at pinatay ang phone pero tumunog iyon bigla. Halos mabitawan ko iyon sa sobrang gulat. Bakit naman biglang tumawag?

"Hello?" panimula ko.

"Nasaan ka?" tanong niya sa medyo nagtitimping boses.

"Malamang nasa bahay-"

"Katabi mo si kuya? Kayong dalawang lang-"

"Ano bang sinasabi mo? Hindi na 'yon bago sa amin ni Lucian." kumunot ang noo ko. "Pero lumabas ako para magluto na lang sa kusina. Hindi ako makatulog. Pero si Lucian tulog na kanina pa."

Natahimik ang kabilang linya. Kung hindi ko lang naririnig ang paghinga niya, iisipin kong wala akong katawagan. Hinintay ko siyang magsalita pero sa halip na gawin, ibinaba niya ang tawag.

Awang ang labi ko na napatitig sa screen. Anong problema ng isang iyon?

Ako:

Okay ka lang? Namatay ang tawag.

Walang dumating na reply kaya nastress ako. Ginulo ko ang magulo kong buhok at kumain na lang. Nagutom ako bigla dahil sa pag-iisip kung anong problema niya. Sa huli, pumasok lang din ako.

"Good morning, Manager!" salubong ni Edelyn na nginitian ko.

"Good morning, Ma'am. Ang aga niyo ngayon, ah!" sunod na bati ni Mikaela.

A Feather From The Sky (Hacienda de los Caballeros #2)Where stories live. Discover now