The Untold Part

514 17 0
                                    

Aisle Leviticus Caballeros

Kamukhang-kamukha siya ng pinsan ko.

Agad akong napatingin sa folder na ibinagsak ni Aaron sa lamesa ko. Bumuntong hininga ako at dinampot ito, tamad kong binuksan.

"Amara Morisel Dione, twenty years old. Nakatira sa Sta. Rosa, Alibaya. May isang half brother, step-father, kasama rin ang ina. Nagtratrabaho bilang tagatinda ng isda sa talipapa. Sanay mabuhay mag-isa."

Natulala ako sa folder habang patuloy si Aaron sa pagsasalita tungkol sa impormasyong nakuha niya.

"May lead ba?" binalingan ko siya. "Siya ba ang pinsan natin?"

Bigong umiling si Aaron. Pumikit ako ng marahan at tumingala. Hinilot ko ang bridge ng ilong ko sa biglaang pagsakit ng ulo.

"Sa ngayon, ang nalalaman ko pa lang sa kanya ay ang trabaho at address. Wala pa ako sa family background." saad ni Aaron. "Medyo magulo iyon, eh. Sama mo pang wala siya sa kanyang ama."

Bumuntong hininga ako. Naalala ang nangyari sa nakaraan noong sinabi nilang nawawala ang pinsan ko. Ilang taon ko na siyang hinahanap, kabisado ko ang lahat sa kanya pero naiinis ako dahil sobra akong natatagalan.

"Bakit hindi na lang tayo humanap ng kamukha ni Pauleen at magpanggap bilang pinsan." Natatawang biro ni Carles.

"Kamukha?" Tanong ni Cassandra.

Bawat araw, lumalala ang kalagayan ni Lolo. Hindi na siya makausap at palagi na niyang hinahanap ang nawawalang apo niya. Ayoko ng ganito. Pakiramdam ko malapit na siyang mawala sa amin.

"Matalino si Lolo. Hindi makakalagpas sa kanya ang sinasabi mo, Carles." Ani ko.

Tumawa ito ng malakas. "Ano ka ba? Nagbibiro lang ako. Alam kong malabo iyon. Kabisado tayo lahat ni Lolo na kahit hindi niya tayo nakasama ng matagal, kilala niya tayong lahat."

"Isa pa, hindi maganda ang ganoon. Pinapalala lang ang sitwasyon." Dagdag ni Abraham.

Tumango si Cassandra at Aaron. Nagpatuloy ang paghahanap. Kahit kaunting lead ay pinupuntahan namin para usisain. Hindi ko na rin masyadong kabisado ang mukha niya.

Ang alam ko, may nunal siya sa kanyang hintuturo. Napatakan ng kandila ang likod kaya may peklat siya na maliit doon. Palaban pero iyakin naman. At maliit. Kung tumangkad man siya, tiyak akong ilang pulgada lang.

"Saan ka?" salubong ni Abraham pagkakita sa akin na aalis.

"Sa palengke."

Agad siyang natawa sa sinabi ko. "Iyong nagtitinda ng isda pa rin ba? Bitawan mo na 'yan. Halata namang hindi siya si Pauleen. Maghintay na lang tayo ng bagong lead, pinsan."

Umiling ako at tiningnan siya. "Hindi ako pupunta roon para alamin kung kadugo ba natin siya."

Natigil si Abraham. "Kung ganoon, ano? Para saan ang pagpunta mo sa palengke?"

Para saan nga ba?

Habang patagal nang patagal ang paghahanap, unti-unting nawawalan si Lolo ng pag-asa. Maski ako ay nadadala na rin pero bago pa tuluyang sumuko, dumating si Amara at nagsabing pinsan namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 21 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Feather From The Sky (Hacienda de los Caballeros #2)Where stories live. Discover now