Kabanata 50

464 18 3
                                    

Hindi ako pumasok sa cafe. Halos paliparin ko ang kotse makapunta lang sa bahay ni Lucian. Patuloy sa pagpatak ang luha ko. Nanlalabo ang aking paningin at nanginginig ang kamay ko kaya pinilit ko munang kumala bago nagpatuloy sa pagmamaneho.

Ang daming naglalaro sa isipan ko.

Hindi ko na rin naiparada nang maayos ang kotse pagdating ko. Mabilis kong binuksan ang gate at ang pintuan niya at doon bumungad sa akin si Mama.

Agad siyang napatayo. Naluluha pa ang mga mata na agad akong sinugod ng mahigpit na yakap. Hindi ako makagalaw. Hindi ko siya mayakap pabalik. Mabilis ang mga ginawa ko na halos hindi makasabay ang utak ko.

Nang humiwalay siya ay hinaplos niya ang aking pisngi at pinakatitigan ako na para bang matagal niya akong gustong makita.

"Anak..." aniya.

Tumulo ang luha ko.

Pinilit kong maging matatag pero sa haplos niya ay agad akong nadala. Niyakap niya ako ng mahigpit, ayaw nang humiwalay sa akin. Pumikit ako ng marahan at hinayaan siya.

Paulit-ulit niyang sinasabi ang anak at ang pangalan ko. Nakita kong lumabas si Lucian galing kusina at agad na natuon ang tingin sa amin. Bumuntong hininga siya at tahimik na nakamasid sa gilid.

"Ilang taon kitang hindi nakita, Pauleen. Ang anak ko..." sabi ni Mama.

"Ilang taon ko rin kayong hindi nakita." Ilang taon kayong hindi nagpakita.

"Patawad. Patawarin mo ako. Kung alam ko lang na mangyayari ang ganoon sa'yo, sana hindi na lang tayo nagpuntang Batanes."

Alam niya.

Binalingan ko si Lucian. May ibang sinasabi ang mga mata niya. Siguro siya ang nagsabi.

"Pero maniwala ka, anak... hindi 'yon magagawa ng tunay mong ama. Hindi ka kayang dukutin ni Arcillo. Hindi magagawa sa'yo 'yon ng tatay mo-"

"Iyan ba ang sinabi niya ang sinabi niya sa inyo? Kaya ba kayo bumalik dito para klaruhin ang pangalan ng taong iyon?"

Umiling siya, hindi makapaniwala ang mga mata.

"Pauleen, alam kong galit ka sa kanya. Pero hindi niya ginawa ang binibintang niyo."

Mapait akong ngumiti. "Nasa kanya kayo ng apat na taon, 'di ba? Nalason ba ang isip niyo?"

"Pauleen," mariin niyang sinabi. "Ang pagkuha niya sa akin at ang pagkadukot mo ay magkaiba, anak."

"Nagkataon, ganoon ba?" natawa ako ng pagak.

Paano niya nasasabi ang mga ganto sa harap ko? Pinadukot ako ng isang iyon. Kahit kailan hindi ko siya ituturing na ama sa ginawa niya.

"Dadalhin kita sa kanya. Magpapaliwanag ako kasama ng Papa mo, Pauleen. Maniwala ka sa akin, anak."

Paulit-ulit niyang sinasabi pero umiiling lang ako. May ano sa akin na nagsisimula nang maguluhan. Hindi ako pwedeng maguluhan. Sigurado akong nalason ang isip ni Mama.

"Nasaan siya?" pagsusubok ko.

Tumigil siya at napalunok. "S-sa Batanes. Sa dati nating bahay-bakasyunan."

Natawa ako ng pagak. "Dinala niyo siya sa lugar na iyon? Kung saan ako nadukot? Sa bahay kung saan namatay si Papa? Ganoon ba kayo kawalang respeto sa kanya?"

"Amara..." sumingit si Lucian, nabahala sa narinig.

"Ang totoo... sa kanya naman talaga ang bahay na 'yon."

Naihilamos ko ang aking palad sa aking mukha sa sobrang frustrated. Tiningnan ko siya nang hindi makapaniwala.

Wala akong masabi. Hindi ko na alam kung paano pa ibuka ang labi sa mga naririnig.

A Feather From The Sky (Hacienda de los Caballeros #2)Where stories live. Discover now