Kabanata 36

501 14 1
                                    

"Ang pangalawang anak ng dating gobernador Merchado Hernaez na si Leviticus Hernaez ay naging congressman sa edad lamang na bente-otso. Naalalang dati siyang naging bahagi ng pamilyang Caballeros sa hindi pa alam na dahilan. Ngayon ay unti-unti na niyang pinapakilala ang sarili sa pamamagitan ng paglilingkod sa bansa pagkatapos niyang mawala sa media ng halos dalawang taon."

Ilang taon na ba siya? Sa pagkakatanda ko, nasa twenty-five na siya noon. Kung ganoon... twenty-nine na siya ngayon.

Tulala ako sa TV habang pinapakita sa screen ang lalaking iyon. Nakangiti siya sa camera habang sinasagot ang tanong ng isang reporter.

Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon sa napapanood. Hindi ko alam ang nangyari sa kanya. Ang daming tanong sa utak ko.

Paano iyon nangyari? Bakit siya biglang naging Hernaez at kapatid pa ni Lucian? Paano niya iyon natanggap? Anong mga iniisip niya noong panahong iyon?

Nabalik ako sa huwisyo nang biglang naramdaman si Lucian. Naupo siya sa tabi ko at tinitigan ako gamit ang seryoso niyang mga mata.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" panimula ko.

Isang araw na rin mula noong nakita ko si Levi. Hindi na iyon nasundan pero hindi iyon umalis sa isipan ko. Lalo na dahil sa nalaman.

Bumuntong hininga si Lucian. "Hindi na dapat natin ito pag-usapan-"

"Kapatid mo si Levi. Hindi mo man lang sinabi sa akin. Wala akong alam, Lucian." may bahid ng inis ang boses ko.

Kumunot ang noo niya at tahimik akong tinitigan. "Para saan pa, Amara?"

Nagtataka ko siyang tinitigan. Para saan?

"Ano ngayon kung kapatid ko nga siya. Naiinis ka ba dahil hindi ko sinabi sa'yo na magkapatid kami o naiinis ka dahil ngayon mo lang 'yon nalaman?" may pagdududa sa tingin niya.

"A-ano..." napakurap-kurap ako.

"Kung nalaman mo ng mas maaga, may magbabago ba, Amara?" ang kaseryosohan ng tinig niya ay parang may ibang pinapahiwatig.

Bumuntong hininga ako at yumuko. "Nabigla lang ako. Hindi ko sinasadya. W-wala naman magbabago kahit na nalaman kong... a-ano..."

"Hindi kayo magpinsan." pagtatapos niya sa hindi ko masabi.

Kinagat ko ang labi ko at nag-iwas ng tingin. "Walang pagkakaiba kahit na maaga kong nalaman na hindi ko siya pinsan. Hindi no'n mababago ang katotohanang wala siya sa tabi ko noon."

Huminga ng malalim si Lucian. Nanatiling seryoso ang tingin sa akin pero makikita doon na tila panatag na siya sa sinabi ko.

"Uuwi na tayo ng Baguio bukas o sa makalawa. Depende kung anong sasabihin ni Papa. Makakapaghintay ka ba?" tanong niya at hinaplos ang buhok ko.

Tinanguan ko siya. "Maghihintay ako sa'yo kahit gaano pa katagal. Pero wala akong damit, Lucian."

Natawa siya ng mahina. "Mag-mall tayo bukas. Iyon na lang ang gawin natin pero dadaan muna tayo sa hospital."

Sandali akong nagulat nang pumalupot ang kamay niya sa aking baywang. Maingat iyon at masuyo.

"Pakipatay ng pinapanood mo, please." mahina niyang bulong malapit sa aking leeg.

Natawa akong inabot ang remote at pinatay nga iyon. Huling imahe sa screen ay ang itsura ni Levi na seryosong nakatingin sa camera.

Pumayag ako sa sinabi niya. Sa labas kami kumain at pagdating ng umaga, lumabas kami para pumuntang hospital. Pagpasok sa silid ng Tita niya ay isang personal nurse lang ang nandoon. Walang ibang kaanak niya kaya panatag ako.

A Feather From The Sky (Hacienda de los Caballeros #2)Where stories live. Discover now