Kabanata 5

549 17 0
                                    

Tikom ang labi ni Levi pagkatapos ng pag-uusap namin. Nakahalukipkip lang siya sa gilid at abala kaming pinagmamasdan. May mga mailap sa akin at hindi nakikipag-usap. Hindi ko alam kung dahil ba nagdududa sila o ayaw nila ako bilang pamangkin.

Kalahating minuto pa lang naman ako rito. Baka mapalapit din ako sa kanila kapag nagtagal.

Lumapit si Aaron kay Levi at may sinabi dito. Bumaling si Levi kay Aaron. Ngumiti ako at bumati pabalik sa mga lumapit at nagpakilala sa akin pero naglalakbay ang isip ko kung saan.

Naupo ako sa gilid ng kama habang hinihintay si Mayor na magising. Kailangan kong magpaalam muna sa kanya para makauwi.

Nagsiuwian na ang iba nilang pamilya. May pumasok na private nurse ni Mayor at inasikaso siya. Ang nanatili sa kuwarto ay si Levi, Cassandra, Aaron, Autumn, at ang iba pa nilang pinsan.

Wala na masyadong matatanda maliban na lang sa magulang ni Andra Pauleen. Nanatili silang nakaupo sa sofa at may pinag-uusapan.

Gumalaw ang daliri ni Mayor kaya agad akong lumapit sa kanya. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at agad na bumaling sa akin.

"Lolo, ayos ka lang ba?"

Agad silang nagsilapitan para daluhan ang matanda. Nanghihina itong tumango sa tanong ko. Humigpit ang hawak niya sa aking kamay kaya napatingin ako roon.

Kung ang pagpapanggap ay nakakatulong sa matanda, masama pa rin bang magsinungaling?

Sa point of view ng kahit sino, masama 'yon.

"Magpagaling kayo, Lo. Gusto na kayong makita ni Ez." saad ni Aaron habang buhat ang anak.

Naramdaman ko ang init ng kung sino sa likod. Bago ko pa malingon kung sino 'yon, para akong nakuryente nang dumapo ang kamay ni Levi sa balikat ko.

Napatingin ako roon at nakita nang malapitan ang suot niyang wristwatch. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Dinudungaw niya ako.

"Gagaling siya." wala sa usapan niyang sinabi.

Tumango ako ng isang beses at bumaling na kay Mayor. Tinanggal ni Levi ang kamay niya sa balikat ko. Sinabi niya iyon, naniniwala na ba siya ngayon?

"Kailangan natin mag-usap lahat tungkol kay Pauleen. Wala munang uuwi pagkatapos nito. Diretso tayong lahat sa mansyon." deklara ni Tito Jeffrey.

Binasa ko ang lahat ng dokumento at kinabisa ang mga pangalan nila. Mabuti na lang at hindi pa inaamag ang utak ko. Nagpakilala rin naman sila sa akin kaya hindi ako masyadong nahirapan.

Inasikaso ng Doctor si Mayor at nakatulog na ulit ito kaya nagpasya silang umuwi para pag-usapan ang tungkol sa pagdating ko.

Sinipat ko si Cassandra kaya tumikhim siya at binalingan silang lahat, "Naiintindihan kong kailangan nating makausap si Pauleen pero late na masyado, Tito. Kailangan niya rin magpahinga. Kakauwi niya lang galing Cebu."

"Galing kang Cebu, hija?" tanong ni Tita Morisette.

Tumango ako, "Uhm... nandoon kasi ang family ko sa ngayon."

Nagkatinginan silang lahat. Napatingin ako kay Cassandra pero wala naman siyang reaksyon kaya kumalma ako.

"Vacation, hija? And then I thought you're here for business." bulong ni Tita Emerald.

Business? Bigla kong naalala ang talipapa at ang mga isda na baka naghihintay na sa akin.

"Uh..."

"Nandito siya para kay Lolo. Nag-aaral pa lang siya, Tita. Business Ad." pagtatakip ni Cassandra.

A Feather From The Sky (Hacienda de los Caballeros #2)Where stories live. Discover now