Kabanata 46

385 17 1
                                    

Mabilis akong tumingin sa gilid at halos manlaki ang mata ko pagkakita kay Levi na nakaupo sa madilim na parte habang seryosong nakatingin sa akin.

Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya at chineck kung maayos ba ang suot ko at walang makakapagpagalit sa kanya doon. Wala naman. Sabi niya hating gabi pa siya makakauwi.

Sinipat ko ang oras sa phone ko at nakitang alas onse pa lang. Ni hindi ko na namalayan na ganoon na pala kalalim ang gabi.

Bumaling ako kay Thrane na lugmok na lugmok na sa lamesa. Hawak ng dalawa niyang nanghihinang kamay ang bote ng alak. Sa kanan ang jack daniel habang sa kaliwa ang hennessy.

"Nandito si Levi." sabi ko kay Nery at Zuri na nanatiling matino.

Kumunot ang noo ni Zuri at umikot ang tingin sa buong bar. Si Nery naman ay tumango lang.

Marahan kong tinapik ang balikat ni Thrane. "Thrane... uwi na tayo?"

Umungol siya pero hindi sumagot. Parang gustong matulog na lang dito. Ayaw na umuwi. Bumuntong hininga ako at tahimik na tumayo. Dumiretso ako sa direksyon ni Levi na sumisimsim ngayon ng juice habang nakatanaw sa akin.

Nang nakita niyang papalapit ako, nanghila siya ng upuang katapat niya at inilagay sa kanyang tabi. Tinapik niya iyon kaya doon ako naupo.

"Kamusta ang kaibigan mo?" iyon agad ang tanong niya.

"Ang aga mo yatang umuwi. Nakapagpahinga ka ba?"

Namumungay ang mga mata niya ngayon dahil sa pagod. Mapapansin iyon sa malalalim niyang paghinga.

"Maagang natapos. Hindi na ako nakabisita sa bahay dahil dumiretso ako ng farm."

Umawang ang labi ko. "Kailangan mong magpahinga. Sinong nagsabi na dito ka pumunta?"

Tiningnan niya lang ang grupo nila Thrane sa likod ko. "Hindi pa ba siya uuwi?"

Bumuntong hininga ako. Ang mga kamay ni Levi ay gumapang sa aking tiyan. Tinutulak niya ako palapit pa sa kanya na parang hindi pa sapat ang distansya namin. Pinagbigyan ko siya at ako pa ang nagdikit ng upuan ko sa upuan niya. Pansin ko ang pag-angat ng labi niya habang tinitingnan ang ginagawa ko.

Sumandal ako sa katawan niya. Panatag na ngayon ang paghinga niya. Naririnig ko iyon sa tabi ng aking tainga.

"Ayaw niyang umuwi. Nakita niya ang boyrfriend niyang may kasamang ibang babae. Nasasaktan ngayon si Thrane." nilingon ko ang lamesa ng mga kaibigan ko.

Naabutan ko ang naniningkit na mga mata ni Zuri habang nakatingin sa amin. May sinabi siya kay Nery at tumango naman ito sa kanya. Bumalik sa amin ang tingin ni Zuri at gulat na ang ekspresyon niya.

Nanatili kaming walang imik ni Levi. Nakasandal lang ang katawan ko sa dibdib niya. Wala akong ibang naririnig kundi ang kalmado niyang paghinga at kalmado ring pintig ng puso niya.

"Umuwi na tayo? Kailangan mo pang magpahinga." bahagya ko siyang binalingan.

Tumama ang dulo ng ilong niya sa aking pisngi kaya lumayo ako ng bahagya para makita siya. Ang bango niya pa rin talaga. Pabagsak na ang talukap ng mga mata niya. Nakangiti siya ng bahagya na parang lasing o wala sa sarili.

"Paano ang kaibigan mo?" bulong niya.

Tumayo ako dahil doon. Nanatili ang kamay niya sa aking baywang at noong napansing babalik ako sa lamesa nila Thrane ay unti-unti niya akong pinakawalan. Humagod ang daliri niya sa aking baywang pababa.

Napalunok ako at napatitig sa kanya. Mukha namang hindi niya iyon napansin.

Naglakad na ako palapit kina Zuri. Kita ko ang naniningkit niyang mga mata. Tipid akong ngumisi at tumigil sa tapat nila.

A Feather From The Sky (Hacienda de los Caballeros #2)Where stories live. Discover now