"Ano ulit?"
Huminga si Levi ng malalim. "Gusto niyang pumunta rito na kaming dalawa lang. Umiiyak siya kaya pinagbigyan ko na. Pero hindi ko alam mag-alaga ng bata."
Seryoso ba siya?
"At sa tingin mo alam ko kung paano mag-alaga ng..." tinuro ko ang batang kasama niya. "Batang 'yan?"
Naglaro ang kapilyuhan sa mga mata niya pero sa huli ay nagkibit lang siya ng balikat. Bumuntong hininga ako at inikot ang tingin sa paligid. Hindi ganito ang inaasahan ko.
"Tito... gelflind?" tanong ng matinis na boses na galing si bata.
"Iyong cake nasa kotse... uh... may dinagdag akong cupcakes at cookies. Baka magustuhan niya." binalingan ko si Summer na nanlalaki ang mata.
"Cookies. Cookies, Tito! Cookies!" paulit-ulit niyang sinabi. "Cookies!"
Tumalon-talon siya kaya kinarga siya ni Levi.
"Gusto mo ba ng cookies, baby?" ngumiti ako at lumapit sa bata. "Marami si Tita ng cookies. Binake ko para sa'yo."
"For me?" kuminang ang inosente niyang mga mata.
Unti-unti akong ngumiti. Ang cute niya. Ang taba ng pisngi at ang cute ng maliit niyang labi.
Tumango ako. "Gusto mong makita?"
Tumingin ang bata kay Levi na kanina pa nakatingin sa akin. Nakalapit na ako sa kanilang dalawa nang hindi ko namamalayan. Nagtaka ang bata dahil walang imik si Levi na nakatingin lang.
"Gusto niyang makita ang ginawa ko. Pwede ko ba siyang buhatin?"
Bahagya siyang nagulat pero tumango rin. Maingat kong kinuha ang bata sa kanya at lumapit ako sa kotse ko. Si Levi ang nagbukas ng pinto sa loob at saktong lumabas ang mga balloons.
Humagikhik si Summer at tiningala ang lumilipad na pink balloons. May natira sa loob kaya kinuha ko iyon at binigay sa kanya.
"Tingnan mo. May cake ka pero saan niyo ito kakainin ng Tito mo?" binalingan ko si Levi na kanina pa tahimik.
Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ng bata. May masuyo siyang tingin at tipid na ngiti sa labi.
"Nagkalat ang lamesa sa park, Amara. Dito na tayo kumain."
Tayo? Hindi ko inaasahan na magdedeliver lang ako ng cake pero naging kasama na nila ako. Pero wala na akong magagawa. Isa pa, bonding na rin kay Summer.
"Levi, hindi ko makuha 'yong box. Pakiabot, please."
Agad niyang sinunod ang sinabi ko. Kinuha niya ang cake at ang dalawa pang box ng cookies at cupcakes. Hindi ko alam kung kaya niya bang. bitbitin iyon lahat.
"Ako na ang magdadala sa isang box." sabi ko at sinubukang kunin ang isa pero inilayo niya.
"Ako na. Kaya ko na."
Naghanap kami ng space na wala masyadong tao at doon naupo. Inilapag niya ang mga box at isa-isang binuksan. Pumapalakpak si Summer kapag nabubuksan ni Levi ang mga box kaya tumatawa kaming tatlo.
"Cookies." ngumisi ako at humagikhik naman si Summer.
"Tito, cookies." ani niya kay Levi.
"Yes, baby." huling binuksan niya ay ang cake.
Mas lumakas ang palakpak ni Summer. Nakaupo siya ngayon sa hita ko at kaharap naming dalawa si Levi. Ang balloon ay nasa kamay niya pa rin pero iisa na lang iyon dahil lumipad na ang iba.
Sinindihan ni Levi ang maliit na kandila. Nagsimula akong pumalakpak ng marahan at kumanta ng happy birthday. Nakangiti lang si Levi. Tahimik na nakatingin sa akin.
YOU ARE READING
A Feather From The Sky (Hacienda de los Caballeros #2)
RomantizmHacienda de los Caballeros Series #2 Started: 03/02/22 Ended: