Kabanata 22

490 19 0
                                    

Napaatras ako nang nagtangka si Levi na hawakan ang kamay ko. Binalingan ko si kuya na malamig ang titig kay Levi. Isang oras na yata kaming tatlo na tulala lang at nagtitinginan.

Tumila na ang ulan. Gusto kong papasukin si Levi sa loob pero makikita siya ni Mama. Galit pa naman iyon sa hindi ko malamang dahilan.

"Bakit mo sinabi sa kanya, kuya?" nanginig ako dahil sa lamig ng hangin.

Basa pa rin si Levi at nag-aalala ako na baka magkasakit siya dahil dito. Nasa kamay pa rin niya ang damit na bigay ni kuya kanina. Tinawid namin ang baging na tulay para makapuntang bayan at mabuti na lang ay wala pa masyadong tao.

Binalingan ako ni kuya. "Mapilit."

Nasapo ko ang noo ko at tiningnan si Levi na nakatingin sa akin. Nagtagal ang titig ko sa kanya at kita ko ang unti-unting pagkalma ng ekspresyon niya. Ngumiti siya.

"Magpalit ka ng damit." utos ko.

Tumango siya at tumalikod sa amin ni kuya. Walang paalam niyang inangat ang basang damit kaya awtomatikong lumipad ang tingin ko kung saan.

Nadaanan ko ng tingin ang matalim na mata ni kuya na nakadirekta sa akin. Parang nagbabantay kung dadapo ba ang tingin ko sa katawan ni Levi.

Hinaplos ko ang aking leeg at naiilang na bumaling sa gilid. Nagkukunwaring interesado sa mga isda na nasa balde.

Narinig ko ang tilian sa hindi kalayuan. Nagpanting ang tainga ko at mabilis na nilingon ang grupo ng mga kababaihan na tinuturo si Levi.

Kapansin-pansin si Levi kahit kanina pa. Dahil naputi siya at matangkad. Sobrang linis tingnan dahil laging puti ang suot. Halatang hindi bagay sa ganitong lugar. Kung bakit siya nandito ay hindi ko alam.

"Ang guwapo!" tili ng babaeng nakabestidang puti na may bulaklak pang design.

Ang kulay ng kanilang balat ang pinapangarap ko. Napatingin ako sa balat ko. Hindi sobrang puti katulad ng kay Levi pero hindi rin kasing kayumanggi gaya ng mga babaeng nagtitili.

"Kailangan nating lumayo dito. Parating na si Mang Kanor. Kakilala siya ni Papa kaya baka magsumbong 'yon kay Mama." sabi ni kuya.

Humarap si Levi sa amin pagkatapos niyang makapagbihis. Naglahad ako ng kamay kaya napatingin siya doon at sa akin.

Tinuro ko ang basa niyang damit. "Akin na. Ako ang magdadala."

Kumurap siya at tumitig. Parang naweirduhan at hindi agad nakuha ang sinasabi ko. Bumuntong hininga ako at nilapitan si Aling Tina na natulala habang nag-aayos ng mga isda.

"Aling Tina, pwede po bang makahingi ng supot?"

Kumurap-kurap siya at ilang sandali pang tumitig kay Levi bago tumingin sa akin. "Ano 'yon, hija?"

Tinuro ko ang basang damit na bitbit ni Levi. "Paglalagyan ko lang."

"Nako! Supot lang pala." humagikhik siya at naghalungkat sa ilalim. Ilang sandali pa ay nilabas niya ang maliit na paper bag. "Ito na lang, ineng. Sa anak ko 'yan pero bigay ko na sa'yo. Hija, boyfriend mo ba 'yang kasama niyo ng kuya mo?"

Agad akong umiling-iling. "Hindi po, Aling Tina. Kayo talaga."

"Ganoon ba..." sinuri niya si Levi. "Ang guwapo. May kasintahan ba? Baka pwede ang anak ko."

Ngumiwi ako at ilang sandaling tumitig kay Levi. Tumatango siya sa sinasabi ni kuya pero bumabaling siya sa akin. Kapag naaabutan ang titig ko, tumitigil siya bago muling tatango kay kuya.

Bumaling ako kay Aling Tina. "Hindi siya pwede."

Kinuha ko na kay Aling Tina ang paper bag at nagpasalamat bago lumapit kina kuya. Tumigil silang dalawa sa pag-uusap at sabay na tumingin sa akin.

A Feather From The Sky (Hacienda de los Caballeros #2)Where stories live. Discover now