Mabuti na lang at mukhang hindi masyadong sineryoso ni Kenneth ang nangyari dahil noong kumain kami ng breakfast ay maingay na ulit sila.
Humingi ng tawad kanina si Abraham kay Nathalia at sinabi niya rin na magsosorry siya kay Kenneth pagkatapos namin dito.
Last day sa resort kaya pagkatapos kumain ay naisipan naming ikutin ang buong lugar. Hindi pa ako nakapunta rito kaya talagang masyado akong naaliw sa ganda ng paligid.
Si Abraham ang mukhang nakapunta na dahil siya ang maraming kwento sa bawat nadadaanan namin.
"Ano kaya kung pumunta rin tayo sa Cebu? Kamustahin natin ang mga magulang ni Pauleen."
Pakiramdam ko nabingi ako sa sinabi ni Camila. Wala akong nagawa lalo na noong sumang-ayon silang lahat. Tumango si Levi at tumingin sa akin. Nakasimpleng white t-shirt lang siya na tinabunan niya ng jacket.
"Ah..." napakurap-kurap ako.
"Kapag sinabi natin kay lolo alam kong papayag siya kaagad. Pero huwag muna ngayon. Puntahan na lang natin si Pauleen kapag malapit na siyang umalis." pagtatakip ni Cassandra.
"Susurpresahin natin? Sige, gusto ko 'yan!" pumalakpak si Camila.
"Pero babalik na kaming Manila ilang araw mula ngayon." malungkot sa saad ni Nathalia.
"Saka na natin pag-usapan ang pagpunta ng Cebu kapag maayos na ang lahat." sambit ni Cassandra at bumaling sa akin.
Nginitian ko siya ng tipid at napanatag noong pumayag sila. Ilang oras pa kaming nagtagal sa labas bago nila naisipang bumalik sa resort para makakain na.
Maingay ulit sa lamesa. Halos amin na lahat ng area dahil sa ingay at sari-saring usapan. Pansin ko ang pagiging tahimik ni Carles ngayong araw. Madalang lang siyang tumawa at magsalita.
Pagkatapos kumain at mag-usap ng kahit ano, naghanda na kami para makaalis. Masaya silang kasama. Halos makalimutan ko ang oras sa dami ng pinag-uusapan nila. Lahat nangunguna, lalo na si Nathalia na hindi nauubusan ng kwento tungkol sa kanila ni Kenneth.
Tumatawa naman ang boyfriend niya habang tahimik na nakikinig. Minsan ay umiiling ito pero nakangiti.
Ngumiti ako ng tipid habang nakatingin kay kuya Kenneth na ngumingisi lang. Wala sa sarili niyang hinahaplos ang daliri ni Nathalia.
Malakas na tumikhim si Levi na nakaupo sa gilid. Sinulyapan ko siya at naabutan ang pagtatas niya ng kilay. Bumaling siya kay Kenneth pagkatapos ay sa akin. Inirapan ko siya.
Tahimik na kami sa byahe pauwi. Nagkunwari akong may tinitipa at abala sa phone para makaiwas kay Levi lalo na ngayong ramdam ko siya na nakatingin sa likod ko.
Kanina, sinadya kong magpahuli. Hinintay kong mauna siyang pumasok sa sasakyan bago ako sumunod para hindi kami magtabi na dalawa.
Narinig ko ang buntong hininga niya at kalabog sa likod. Sunod ay ang pagmumura ni Abraham na siyang katabi niya ngayon. Pasimple akong bumaling kay Abraham at nakita siyang masama ang tingin kay Levi.
"Kanina mo pa sinisiko 'yang bintana. Bad trip ka naman, L." inis niyang singhal.
Umismid si Levi, "Huwag mo akong tawaging L."
"Bakit?"
Napahiyaw si Abraham dahil sa kung anong ginawa sa kanya ni Levi. Kinagat ko ang labi ko at pinigilan ang sarili na lingunin sila sa likod.
"Ayaw kitang katabi." saad ni Levi.
"Ayaw din naman kitang katabi. Ang iritado mo, hindi pa makausap, tsaka wala ka sa mood kanina pa." balik ni Abraham, "Pero, bakit? Sino ba ang gusto mong katabi?"
YOU ARE READING
A Feather From The Sky (Hacienda de los Caballeros #2)
RomanceHacienda de los Caballeros Series #2 Started: 03/02/22 Ended: